Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 22



Kabanata 22

Nagbago ang ekspresyon ni Jeremy ng marinig iyon.

Lumakad siya papalapit at nakita na nakatalikod sa kanya si Meredith. Nakikipagusap siya sa doktor ni

Madeline.

“Bakit ito nangyayari? Hindi ko inakala na magagawa ni Maddie ang ganong klase ng bagay...”

Pagkalipas ng ilang sandali, maririnig ang buntong-hininga ni Meredith.

Hindi narinigg Jeremy ang buong istorya. Ngunit, nang lalakad na siya papasok at kwestyunin sila,

sumimangot ang doktor at sinabi, “Hay! Laban sa sinumpaan ko ang magsinungaling, pero iba talaga

ang kapatid mo. Hindi siya nagdadalang-tao, pero pinilit niya na magpanggap na nagdadalang tao siya.

Gumamit pa siya ng pekeng dugo para magpanggap na naapektuhan ang sanggol. Nang nalaman

namin, tinakot niya kami na magpapakamatay siya at pinilit kami na magsinungaling kasama niya.

Wala kang masabi!”

Agad na nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Jeremy ng marinig ito.

Nagpapanggap lang siya?

Nagpapanggap lang si Madeline na nagdadalang tao? Peke din ang dugo niya?

“Naiintindihan ko kung bakit magagawa ‘yon ni Maddie, pero hindi ko inakala na magagawa niyang

magbanta na magpapakamatay siya at pilitin kayo na magsinungaling sa asawa niya. Sobrang tigas ng

ulo niya!”

“Sa tingin ko dapat kausapin mo kapatid mo. Malalaman din ng asawa niya na peke ang pagdadalang

tao niya balang araw.” Tumalikod ang doktor at umalis pagkatapos makipagusap sa kanya.

Hinabol siya ni Meredith, “Dok, pakiusap ‘wag mo ito sabihin kahit kanino, lalo na sa asawa ng kapatid

ko. Kinakatakot ko na baka mapatay niya ang kapatid ko kapag malaman niya ‘to.”

Nagbuntong hininga nalang ako doktor. “Ikaw na ang gumawa ng paraan tungkol sa bagay na ‘yan.

Pagkatapos ng lahat, walang karamdaman si Madeline. Maari siyang makaalis anumang oras.”

“Salamat po dok! Salamat po dok!”

Nagpasalamat si Meredith sa doktor habang lumalakad ito papalayo.

Pagkatapos pasalamatan ang doktor, nagbuntong hininga si Meredith at napasimangot.

“Maddie, sumosobra ka na. Mapapatawad kita kung nagpanggap ka lang na maging ako at

magsinungaling kay Jeremy na ikaw ang kababatang kaibigan niya. Pero paano mo nagawang

magpanggap na nagdadalang tao? Hay!”

Nagbuntong hininga si Meredith at tumalikod. Pagkatingala niya nakita niya si Jeremy. Sa mga sandali

din na iyon, kita ang pagkagulat sa kanyang mga mukha.

Tumingin siya kay Jeremy, “J-jeremy, kelan ka pa nandito?”

Tinignan ni Jeremy si Meredith na hawak ang kanyang dalawang kamay dahil sa nerbyos. Pinigilan

niya ang kanyang galit. “Alam mo ang binabalak ng babaeng ‘yon, pero nagagawa mo parin na

magsinungaling sakin alang-alang sa kanya?”

Nang marinig ang mga sinabi ni Jeremy, napatunganga si Meredith ng ilang segundo. Sa kabila nito,

tinignan niya si Jeremy habang nagtataka at sinabi, “Jeremy, hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Sino?

Sinong tinulungan ko? Mali ka ata ng pagkakarinig sakin.”

Napasimangot si Jeremy ng makita na patuloy na nagsisinungaling sa kanya si Meredith. “narinig ko

ang sinabi mo sa doktor at gusto mo parin magsinungaling sa mukha mo?”

Iniling ni Meredith ang kanyang ulo at namula ang kanyang mga mata dahil sa hinaing. “Jeremy, hindi

ako nagsisinungaling sa’yo. Paano ko magagawang magsinungaling sa’yo?”

“Hindi mo parin ba sasabihin sakin ang katotohanan?”

“Jeremy...”

“Sige, kung ayaw mo sabihins akin ang katotohanan, siya mismo ang tatanungin ko!” Agad na

tumalikod si Jeremy. Kita ang galit sa kanyang mga mata.

“Jeremy, wag!” Agad na hinabol ni Meredith si Jeremy at hinawak ang kanyang braso. “Jeremy, wag ka

magalit. Pakiusap wag ka magalit!”

“Patawad. Hindi dapat ako nagsinungaling sayo. Pero kung hindi ako magsisinugaling para kay Madde,

hindi mo siya mapapatawad. Kaya nagawa ko...”

Hinawakan ni Meredith ang braso ni Jeremy at tinignan siya habang may mga luha sa kanyang mga

mata. “Jeremy, pakiusap ‘wag mo sisihin si Maddie. Alam niya na nagkamali siya. Alam ko na hindi

niya magagawa ulit ang ganong klase ng bagay!”

“Kasalanan ko ‘yon. Kasalanan ko ang lahat! Dapat lumayo na ako pagkatapos mo ikasal. Ako ang

naging dahilan kung bakit pineke ni Maddie ang pagdadalang tao niya dahil sa pagseselos sa akin.

Dapat hindi ko din sinabi kay Maddie yung nangyari noong unang beses na nagkakilala tayo at

pinagmulan kung bakit siya nagplano ng masama. Kaya siya nagsinungaling at sinabi sayo na siya

yung batang babae. Kasalan ko ang lahat Jeremy. Ako ang sisihin mo!”

Nandilim ang mga mata ni Jeremy ng marinig ang lahat ng ito.

Kasinungaling ang lahat!

Ginawa niya lang lahat yun para kaawaan siya!

Isa talaga siyang pathological liar. Bakit niya naisip na si Madeline ang batang babae na nais niyang

protektahan. Si Meredith ang babaeng iyon!

Matinding galit ang naramdaman ni Gerald ng maalala niya kung gaano niya kalambing tinrato si

Madeline kanina lang.

Agad siyang tumalikod at nagmadali na bumalik sa kwarto ni Madeline. Agad siyang tinawag ni

Meredith. Ngunit, isang ngisi na ang makikita sa kanyang mga labi.

Ipinikit ni Madeline ang kanyang mga mata ng biglang pumasok si Jeremy sa loob ng silid. Halos

tumigil ang pagtibok ng puso ni Madeline. “Jeremy, anong problema?”

Hindi nagsalita si Jeremy. Dahan dahan siyang naglakad patungo sa gilig ng higaan.

Naramdaman ni Madeline ang aura ng kamatayan na nagmumula kay Jeremy. Ngunit bago pa siya

makapagsalita, hinawakan na siya sa leeg ni Jeremy.

“Jeremy...”

Sa mga sandaling iyon, hindi makahinga si Madeline. Agad na namula ang kanyang maputlang mukha. novelbin

“Dapat lang na mamatay ka, Madeline Crawford.” Dahan-dahan na binuka ni Jeremy ang kanyang labi.

Nakatitig siya kay Madeline na para bang gusto niyang makita ang tinatago ni Madeline. “Okay lang

sana kung nagpanggap ka lang na nagdadalang tao ka, pero pano mo nagawang magpanggap bilang

si Meredith? Inisip mo ba na hindi ka mabubuking?”

Ano...

Nanlaki ang mga mata ni Madeline sa pagkalito, ngunit hindi siya makapagsalita dahil sinasakal siya ni

Jeremy.

Nakikita niya lang ang mga mata ni Jeremy. Pakiramdam niya na tila hihiwain siya gamit ng isang

kutsilyo ng isang milyong beses.

“Madeline, dahil nagawa mong magsinungaling sakin, dapat alam mo din ang mga parusa na

matatanggap mo!”

Pagkatapos niya sabihin iyon, tinulak niya palayo si Madeline.

Nagmistulang isang sirang manika si Madeline na itinapon palayo. Nalaglag siya mula sa higaan, at

tumama ang kanyang ulo sa kanto ng higaan. Maliban dito, natanggal mula sa kanyang kamay ang IV

drip at nanginig siya sa sobrang sakit.

Nilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang tyan at tumayo sa kabila ng sakit na kanyang

nararamdaman. Umupo siya sa sahig at hinawakan ang pantalon ni Jeremy. “Jeremy, hindi ako

nagsingungaling sayo. Buntis talaga ako. Meron ang pruweba ng doktor. Pwede mo ko dalhin para sa

isang ultrasound ngayon. Jeremy, paniwalaan mo ako kahit isang beses lang. Isang beses lang,

Jeremy...”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.