Chapter 2
Chapter 2
ODDLY enough, Throne found himself short of breath. Sa ilang araw na pagsunod-sunod kay
Christmas ay ngayon lang niya nakita ng malapitan ang dalaga. Of course, he had seen her pictures
before but none of them did her justice.
Christmas was simply... a total knockout. Mula sa ginintuang alon-along buhok ng dalaga na umabot
hanggang sa baywang at malalantik na pilikmata na binagayan ng mapupungay na kulay-tsokolateng
mga mata. Para bang nililok ang nakaarkong mga kilay nito ng isang henyong iskultor. Matangos din
ang ilong at kulay rosas ang mga labi nito.
College graduation nila ni Jethro nang huling makita ni Throne si Christmas. May gatas pa sa mga labi
noong panahong iyon ang dalaga. Maganda na si Christmas noon pero hindi niya inakala na mas
gaganda pa ito ngayon. Naipilig niya ang ulo pagkatapos ay malakas na napatikhim.
"What's wrong?"
Pakiramdam niya ay nakuryente siya nang mahigpit na kumapit si Christmas sa kanyang braso. He
was momentarily distracted by her tears. Crying or not, she was undoubtedly, the most beautiful
woman he had ever laid eyes on.
"S-sinaktan niya ang g-guard," simula ng dalaga sa nanginginig na boses. "And he's... he's after me."
Kumunot ang noo ni Throne. Bago pa siya makapagtanong ay nakarinig na sila ng malakas na
pagsigaw.
"Siya ba, ha?! Siya ba ang ipinagmamalaki mo sa 'kin, Christmas?" Naningkit ang mga mata ni Throne
nang duruin siya ng bagong dating na ang edad ay hindi nalalayo sa dalaga.
Inalalayan niya si Christmas hanggang sa makatayo ito nang maayos. "Listen, Barbie. I need you to do
three things for me." Maagap na sinalo niya ang hawak na bari ng lalaki nang akmang ihahataw iyon
sa kanya. Inihagis niya ang baril pagkatapos ay sinipa ang lalaki. "One, relax. Two, run. And three..."
Bahagya niyang itinulak ang dalaga palayo. "Call the police."
Nang makita ni Throne na tumakbo na si Christmas ay saka niya muling hinarap ang lalaki na kaagad
siyang dinaluhong ng suntok na hindi niya nagawang iwasan.
"Damn!" Nagsalubong ang mga kilay niya nang malasahan ang dugo sa kanyang mga labi. "Hindi ako
pumapatol sa mga bata but since you're acting like a real spoiled brat, I think I'd have to make an
exception," aniya pagkatapos ay binigyan ng dalawang malakas na suntok sa sikmura ang lalaki.
Sumunod ay nagpakawala siya ng isang sipa sa dibdib nito. Tulog na bumagsak ang lalaki sa
sementadong daanan.
Mayamaya ay palihim na napangiti si Throne nang makita ang paparating na si Christmas kasama ang
dalawang pulis. Hindi iyon ang pinlano niyang pagkikita nila ng dalaga pagkalipas nang maraming
taon. Pero mukhang tinutulungan siya ng langit para mapabilis ang lahat.
Dinukot niya ang panyo sa bulsa ng pantalon at inihagis sa mukha ng lalaki. Thanks, kid. Kung 'di ka
dumating at nagwala, baka hanggang ngayon ay iniisip ko pa kung paano magiging instant bida.
NAPAHINTO sa mabilis na paghakbang si Christmas nang tuluyang mabistahan ang mukha ng
estrangherong tumulong sa kanya. Sa tindi ng takot kanina ay hindi na nagawang rumehistro pa sa
kanyang isip ang itsura nito pero ngayong ganap na siyang nakabawi at naglalakad palapit ay palakas
na nang palakas ang pagtibok ng kanyang puso.
Isang tao lang ang may kakayahang gumawa niyon sa kanya.
"T-Throne?"
Ngumiti ang binata pagkatapos ay yumukod. "At your service."
Napasinghap si Christmas. He still had that husky voice that she had been hearing in her dreams over
and over again. Halos walang nagbago sa itsura ni Throne maliban sa buhok na kasindilim ng gabi na
pinahaba na ng binata. Tuwid na tuwid at hanggang balikat iyon. Ganoon pa rin ang makakapal na
mga kilay ni Throne, ang abuhing mga mata na para bang palaging nang-aakit kung tumingin,
aristokratong ilong, at makikipot na labing bihira kung ngumiti. Bahagyang dumudugo ang mga labi nito
nang mga sandaling iyon.
Nag-aalalang napalapit siya kay Throne. "P-pasensiya ka na. Nasaktan ka pa tuloy," mahinang wika
niya at dahan-dahang iniangat ang kamay at pinahid ang dugo sa mga labi ng binata gamit ang mga
daliri. Their gazes locked and for a while, she was lost. God... she missed those eyes.
"Kami na po ang bahala sa lalaking ito, Ma'am, Sir. Gano'n na rin po sa gwardiya pero sumunod pa rin
po kayo sa presinto para sa statement ninyo. Iyon ay... kung hindi na po kayo busy."
Napapahiyang lumayo si Christmas kay Throne nang marinig ang para bang nanunuksong boses ng
pulis.
"Salamat, Chief," ani Throne. "We'll just follow later." Nang makaalis na ang mga pulis kasama si
Marcus at ang gwardiya ay amused na natawa ang binata. "After so many years... sino'ng mag-
aakalang dito tayo magkikitang muli? At sa ganitong sitwasyon pa?"
Kumunot ang noo ni Christmas. "N-naaalala mo 'ko?"
"With a face like that, how can I not remember, Christmas Llaneras?"
"Bolero." Nag-iinit ang mga pisnging napangiti siya. Gusto niyang magtatalon sa kilig kung hindi lang
nakaharap at titig na titig si Throne sa kanya. In his faded maong jeans and simple navy blue long-
sleeved polo, he looked every inch the man of her dreams. "Siyanga pala, salamat sa-"
"Pero hindi ako tumatanggap ng basta salamat lang, Barbie. Wala nang libre sa panahon ngayon."
Napailing pa ang binata. "If you really want to thank me, do it the proper way. Go out on a date with
me."
"PATIENCE isn't really one of my virtues, Barbie. Besides, hindi ko ugali ang patagalin ang nagiging
utang ng tao sa 'kin kaya naniningil kaagad ako," ani Throne pagkatapos ay inalalayan siya pababa ng
kotse.
Si Throne na ang nagboluntaryong ihatid si Christmas habang kasalukuyan pang nasa casa ang
kanyang kotse. Inabot na sila ng gabi. Dumaan pa sila sa ospital kung saan dinala ang guwardiyang
nawalan ng malay pagkatapos itong pukpukin ni Marcus ng baril sa ulo. Christmas sighed.
Unconscious pa rin ang guwardiya nang mga sandaling iyon pero umaasa siyang magkakamalay na ito
sa mga susunod na araw para personal siyang makahingi ng tawad.
"Kaya okay lang ba sa 'yo kung sisingilin na kaagad kita sa date na utang mo bukas ng alas-siyete ng
gabi?"
Sa isang iglap ay nawala ang pag-aalala sa puso ni Christmas. Matamis siyang napangiti. Under
normal circumstances, malamang ay masyado siyang mabibilisan sa mga pangyayari kaya hindi agad
siya papayag. Pero hindi basta-bastang lalaki ang nagyayaya sa kanya ngayon. It was no other than
Throne Vincent Madrigal, the one she had been loving for so long. And based on that fact alone, she
would stop thinking of any reasons not to be with him.
"S-sige." This material belongs to NôvelDrama.Org.
"Ang sarap mo palang pautangin. Nagbabayad ka kaagad," amused na wika ni Throne.
Sa liwanag na nagmumula sa poste ay kitang-kita niya ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ng binata.
Habang nakatitig sa gwapong mukha nito ay nahigit niya ang hininga. The best things in life were free
indeed.
"I'll pick you up at seven tomorrow night." Pinisil ni Throne ang baba niya. "Good night, Barbie."
Nang sumakay na ang binata sa kotse at paharurutin iyon palayo ay hindi naiwasan ni Christmas na
mapahawak sa dibdib. Kay bilis ng tibok ng kanyang puso nang mga sandaling iyon.
Ilang saglit siyang parang nangangarap na nakatitig lang sa dinaanan ng kotse ni Throne bago niya
nangingiting binuksan ang gate papasok sa bahay para lang magulat sa nakitang pigura ng kanyang
Kuya Jethro habang nakatayo ito sa hardin. Hawak ng kapatid ang cell phone nito habang sa kabilang
kamay ay bitbit ang wine glass.
"Lieutenant Ramirez just called."
Napalunok si Christmas. Kilala niya ang tinutukoy ng kapatid. Kaibigan nito si Lieutenant Ramirez na
siyang sumalubong sa kanya pagpasok niya sa presinto. Hindi na nagpang-abot si Throne at ang pulis
dahil idinaan pa ni Lieutenant Ramirez ang kotse niya sa kasa. Pagbalik ni Throne ay wala na ang
naturang pulis dahil may inasikaso pa.
"You have three minutes to tell me what happened."
"NINETEEN days, Chris," tiim-bagang na wika ng Kuya Jethro niya pagkatapos ilahad ni Christmas
ang mga nangyari sa pagitan nila ni Marcus. Pero sinadyang iwasan ni Christmas ang bahagi kung
saan muli niyang nakatagpo si Throne dahil siguradong mapapahaba lang ang pag-usisa ng kuya niya.
Lalo na kapag nalaman nito ang nakatakda niyang pakikipag-date sa binata.
Likas na overprotective ang kapatid kaya hangga't maari ay gusto niyang ilihim iyon dahil baka
maagang makaliskisan ng kanyang Kuya Jethro si Throne. Baka mapurnada pa ang happy ending na
pinapangarap niya. Mukha pa namang nagsisimula nang magkainteres sa kanya ang binata.
"Nineteen days pa lang mula nang bumalik ka at ganito na kaagad ang nangyari? And worst, there
were no text messages and calls from you, Chris." Natutop ng Kuya Jethro niya ang noo. "How on
earth did I become the last person to know?"
Napakagat-labi siya. Nawala talaga sa kanyang isip na tawagan ang kapatid nang muli niyang makita
si Throne. "I'm sorry."
Narinig ni Christmas ang sunod-sunod na pagbuga ng Kuya Jethro niya ng hangin para siguro ay
kalmahin ang sarili. "Simula ngayon, hindi ka na pwedeng lumabas ng bahay nang nag-iisa.
Ipapahiram ko na muna sa 'yo si Rodrigo habang naghahanap pa ako ng magiging permanenteng
bodyguard mo. Heck." Naihilamos ng kapatid ang palad sa mukha. "Dapat talaga, ipinagpilitan ko sa
'yo noong magsama ng driver."
"Kuya naman..." Ang Rodrigo na tinutukoy ng kuya niya ay ang limang taon nang driver cum-
bodyguard nito. Pagbalik pa lang ni Christmas sa bansa ay iginiit na nito sa kanya na magkaroon siya
ng bodyguard. Kinulit lang niya ito nang kinulit hanggang sa mapapayag ang kapatid na huwag na
siyang bigyan pa niyon.
"You're the only constant person in my life, Chris. Ayokong pati ikaw, mawala pa. So, whether you like it
or not, you'd have to bear with the guard." Bahagyang dumilim ang anyo ng kapatid. "Marcus should be
grateful that I'm nice. Otherwise, he would not be alive by now."
Hindi na nakakontra pa si Christmas. Given the determination in her brother's eyes, she knew there
was no way he would listen to her. Mayamaya ay kumunot ang noo ng kapatid. "Sino nga pala ang
nabanggit ni Lieutenant na nagligtas sa 'yo? Ayon daw sa mga pulis na nag-rescue ay may lalaking
tumulong sa 'yo sa sementeryo."
"Isang..." Napalunok si Christmas. "Isang concerned citizen." Pinilit niyang ngumiti. "He seemed nice.
Inihanap na niya ako ng masasakyan pauwi habang nasa casa pa ang kotse ko."
"Mabuti na lang at naro'n din siya. Did he tell you his name so we can thank him properly?"
"N-no. I forgot to ask."
"Sayang nman." Lumapit ang kuya niya at masuyo siyang hinalikan sa noo. "I'm really glad you're safe,
princess. Magpahinga ka na. Good night."
Tinalikuran na siya ng kapatid at muling lumapit sa mesa. Dinampot nito ang wineglass pati na ang
bote ng alak at tangkang papasok na sa loob nang magsalita siya. "Bakit ka naglalasing? Dahil ba sa
ex mo?"
Hindi likas na palainom ang kanyang Kuya Jethro pero mukhang nagpapakalunod ito sa alak nang
mga oras na iyon. At alam ni Christmas na hindi lang iyon basta pang-aliw ng kapatid sa sarili habang
naghihintay sa kanya. "Mukha namang mahal mo pa rin siya. Pero kung gano'n nga, bakit ka pumayag
na maghiwalay kayong dalawa?"
Sandali siyang nilingon nito. "Let's just say that... I lost the courage to stay by her side." Nagkibit-balikat
ito pagkatapos ay ngumiti pero mababakas pa rin ang lungkot sa mga mata. "Minsan kasi, hindi sapat
na mahal mo ang isang tao para tumagal ang relasyon nyo."
Nakaramdam si Christmas ng awa para sa kapatid nang tuluyan na itong pumasok sa loob ng bahay.
Pareho lang sila ng kuya niya, minsan lang kung magmahal pero totoo at nagtatagal. Alam niyang sa
kabila ng pagiging lapitin ng kanyang kuya sa mga babae ay ang dating girlfriend pa lang ng
nakarelasyon nito.
Biglang sumagi sa isip ni Christmas si Throne pagkatapos ay napailing. "Mali si Kuya. Sasapat ang
pagmamahal... kung ipagkakasya mo."