Chapter 11
Chapter 11
Present Time
“I’M SORRY.”
Natigil sa paglalakbay ang isip ni Lea nang marinig ang mga sinabing iyon ni Jake. Hindi niya na ito
nilingon. Nanatili lang ang mga mata niya sa anak. Marahang hinawakan niya ang kamay nito. Hindi
niya alam kung anong posibleng magawa kapag hindi pa ito nagkamalay sa mga darating na araw.
Janna became her salvation for the past ten years. Her daughter’s existence prevented her from giving
up on her life.
Janna, ‘wag mong iiwan si Mommy. ‘Wag kang gumaya sa Daddy mo, parang awa mo na.
“I know just how compassionate you are, Diana. I’ve witnessed that many times. Iyon ang isa sa mga
dahilan kung bakit mahal kita. Dahil ikaw ‘yong uri ng tao na parating makakakita ng mabuti sa kapwa
niya sa kabila ng lahat. Kaya natakot ako na baka kapag nalaman mo ‘yong tungkol kay Janna,
makipagkalas ka sa akin.” Naalala ni Lea na nakayukong sinabi ni Jake kani-kanina lang kay Diana
nang bumisita ang huli sa ospital. Kinausap niya lang sandali ang doktor ng anak at ang eksenang iyon
na ang naabutan niya sa kanyang pagbabalik. “Hindi na kita nagawang maipakilala sa kanya dahil-“
“Dahil alam mong hindi rin ‘yon magugustuhan ng bata. The little girl still hopes that she, you and Lea,
will still become a family together. At hindi ko siya masisisi. Walang bata na hindi naghahangad mabuo
ang kanyang pamilya.” Inabot ni Diana ang mga kamay ng binata. “I’m sorry, too, Jake.”
“So it’s Alexis now, isn’t it?” Malungkot na sinabi ng binata nang mag-angat ng mukha. “Nararamdaman
ko noon pa man na may feelings ka para sa tinatawag mong best friend mo. Hanggang sa dumating sa
puntong hindi ko na alam kung sino ang mas mahal mo sa aming dalawa. Kung ako ba talaga o siya.”
“I’m so sorry.”
“Alam mo ba kung bakit nagmadali akong maikasal sa ’yo? Dahil natakot akong baka magbago pa ang
isip mo tungkol sa atin. Natatakot akong magising ka sa katotohanan na hindi talaga ako ang mahal
mo, na nagpapanggap ka lang dahil may gusto kang patunayan sa totoong lalaking nilalaman ng puso
mo.” Nasaksihan ni Lea ang pagngiti ni Jake pero hindi iyon tumagos sa mga mata nito. “But I guess,
hindi mo talaga pwedeng ipilit ang mga bagay kaya nangyari ang kaguluhan sa kasal.”
“Minahal kita, Jake. Iyong espesyal na uri ng pagmamahal na alam kong mananatili sa puso ko. You’ll
always have a special place in my heart. May butas sa pagkatao ko na tinapalan mo nang dumating
ka. You’re like my soul mate, Jake. Nagkataon lang na kahit anong tapal pala sa butas, hindi sasapat.
Darating at darating ang araw na hihina ang pantapal at muling lilitaw ang butas. Alexis was that hole
in my life. Siya ang gumawa ng butas. Siya rin lang ang makakaayos niyon.” Napasigok si Diana.
Inabot nito si Jake at mahigpit na niyakap. “I never wanted to hurt you.”
“I know. I never wanted you to see me hurt, too.” Gumanti si Jake ng mas mahigpit na yakap. “Pero
‘wag kang mag-alala. Ngayon na lang ‘to. Wala naman akong dapat pagsisihan, ‘di ba? At least,
nagawa kong tapalan ang butas. Hindi man sapat pero nagawa ko. May nagawa ako para sa ’yo.”
“Oo. May nagawa ka. Malaki. You changed my life, Jake. Minahal mo ako. At habang-buhay kong
ipagpapasalamat iyon.”
Hindi pa nainggit ni minsan si Lea sa isang tao. Lalo pa sa isang babae. May kompiyansa naman siya
kahit paano sa kanyang sarili. Sa kabila rin ng pagkakaroon niya ng anak ay marami pa rin ang
nanliligaw sa kanya. Ilang ulit na rin siyang na-feature sa iba’t ibang magazine tungkol sa mga
tagumpay niya. Pero dahil sa pinagdaraanan kay Jake ay bumababa araw-araw ang kompiyansang
iyon hanggang sa katiting na lang ang matira, katiting na para bang tinangay pa ng hangin nang
dumating si Diana sa buhay ni Jake, ang nag-iisang babaeng nakasisiguro siyang buong puso nitong
inalok ng kasal, ang nag-iisang babaeng minahal nito na sanhi pa ng pagkakaroon ng takot nito.
Nakakatawa. Ganoon na lang ang takot ni Jake na mabuking ni Diana pero hindi ito natakot na
mabuking niya o ng sarili nilang anak. How cruel was that? Ang sabi nito noon sa kanya ay mahal siya
nito bilang matalik pa ring kaibigan. Mahal din nito ang kanilang anak. Pero bakit ganoon? Kailangan
ba talagang parati na lang tinitimbang ang pagmamahal? Na kung sino ang mas mahal mo, iyon ang
mas iingatan mong huwag masaktan?
Mabuti pa si Diana. By the looks of it, Jake had tried so hard to fix the hole in Diana’s life. Samantalang
si Lea na kilala nito, na alam nitong nasasaktan at higit na mas malaki ang butas sa pagkatao ay hindi
man lang nito tinangkang tapalan ni minsan.
“Hindi ko alam kung ilang beses ko na ‘yang narinig mula sa ‘yo, Jake. Pero sana may magic ang
salitang sorry, ‘no? Na kapag narinig mo, magiging okay ka na. Gagaling ka na.” Mapait na sagot ni
Lea mayamaya. “God… kahit ngayon lang, sana nga magkaroon ‘yon ng magic. I desperately need it
right now.”
Mariing naipikit ni Lea ang mga mata nang maramdaman niya ang pagyakap sa kanya ni Jake mula sa
likuran. For the first time after a long while, she heard him weep. But that cry can never be compared to
the cry that she was hearing straight from her heart. Mas malakas pa rin ang pag-iyak ng puso niya.
Parati namang ganoon.
Napailing si Lea kasabay ng pag-alis ng mga braso ng binata sa kanyang baywang. Lumayo siya rito at
umiba ng puwesto.
“I don’t need your embrace, Jake. I don’t even need your tears. Mga luhang ni hindi ko alam kung totoo
pa nga ba sa dami na ng nangyari, sa daming pagkakataon na binabalewala mo ang nararamdaman
ng sarili mong anak. Right now, what I need is my daughter to wake up. Alam mo bang simula nang
dumating siya sa buhay ko, hindi na ako nakatulog nang maayos? Dinoble ko ang sipag sa
pagtatrabaho para mas maging matagumpay para sa kanya. Parating magulo sa bahay. Lalo na sa Content is property of NôvelDrama.Org.
kwarto niya. Parati ring maingay.”
Bahagyang napangiti si Lea sa naalalang paghahabulang tagpo ng kasambahay at ng kanyang anak
pati na ang pilyang ngiti nito at ang buhay na buhay na mga tawa nito. “Pero hindi kahit kailan naging
problema ‘yon sa akin. My house became a home. And that’s one heck of a transformation.”
Sinalubong ni Lea ang mga mata ni Jake. “At siyempre, hindi mo alam ‘yon. Dahil sa pagitan nating
dalawa, ang buhay ko ang mas nagbago. I don’t know. But ever since I fell in love with you, I feel like I
did everything wrong in my life.” Napatitig siya sa anak. “I’ve messed up. Completely. But Janna was
one choice I never regret making. She was the only thing that I did right. At kung hindi siya magigising,
hinding-hindi mo kahit na kailan makukuha ang kapatawaran ko, Jake.”
Alam ni Lea na hindi na siya nagiging patas para sa binata lalo pa at may kasalanan rin siya sa
nangyari. Pero hindi niya makuhang makaramdam ng pagsisisi sa sinabi. Dahil si Jake, simula’t sapul
ay hindi na naging patas para sa kanila ng anak. Inabot niya ang kamay ng anak at inilapat sa kanyang
pisngi.
“Believe it or not, but becoming Janna’s father was the proudest moment of my life-”
“Liar.” Bumitaw si Lea sa anak at muling binalingan si Jake. Tumaas-baba ang dibdib niya sa matinding
galit. “Alam mo ba kung ilang beses akong tinanong ng anak ko kung totoo nga bang mahal mo siya?
Alam mo rin ba kung ano nang klaseng mga dahilan ang mga sinabi ko para lang pagtakpan ang mga
pagkukulang mo? Ang lapit-lapit mo lang madalas. Pero sinasabi ko pa sa kanyang nasa conference
ka sa ibang bansa sa tuwing hindi mo siya napupuntahan.” Lumapit siya sa binata at dinuro ito. “Jake,
during those moments, you’ve broken not just my heart. But also Janna’s. Tapos ano? Sa iba ko pa
nalaman na ikakasal ka na? You didn’t even have the decency to tell me the truth!”
Nang hindi na mapigilan ni Lea ang sarili ay sunod-sunod na hinampas niya si Jake sa dibdib na lahat
ay tahimik lang na tinanggap nito. Tuluyang napahagulgol siya.
“How dare you! During those times that my daughter was searching for you, you were busy preparing
for your own wedding! Just how many times do you have to break my heart? Wala ka ba talagang awa,
Jake?” Tumaas ang kanyang boses. “Ang hindi mo ako mahalin, tanggap ko. Pero huwag mo namang
idamay pati ang anak ko. Respeto na lang ‘yong hinihingi ko sa ‘yo bilang ina ng anak mo. Pero hindi
mo pa maibigay.”
“Hindi ko sinabi dahil natatakot ako.” Mahinang sinabi nito. “Lea, hindi ko kayo binalewala. Ayoko lang
na masaktan ka, kayo ni Janna. I was planning to tell the both of you. But I wanted to take things slow-“
“How slow? Kapag ba naikasal ka na?” Hindi pa naranasan ni Lea ang manakit ng isang tao maliban
sa araw na iyon. Bago niya pa mamalayan ay tumama na ang isang palad niya sa pisngi ni Jake.
Pakiramdam niya ay nanginginig na siya sa sobra-sobrang emosyon. Dagdag pang wala pa siyang
tulog, sapat na kain at pahinga sa nakaraang mga araw.
“Sa akala mo ba, maglalaho ang sakit sa oras na ginawa mo ‘yon? Madi-delay lang pero gano’n pa rin.
Umalis ka na lang, utang na loob.” Itinuro niya na ang pinto. “Parati mong iniiwan sa akin ang
responsibilidad sa pagpapaliwanag kay Janna. Pero hindi ko na uli ‘yon gagawin para sa ‘yo. Pagod na
pagod na ako, Jake. Bumalik ka na lang kapag kaya mo nang magpakaama.”
Pero mayamaya lang ay pareho silang natigilan nang makarinig ng mahinang pag-ungol. Agad na
nilingon niya ang kama ng anak. Nagmamadaling nilapitan niya ito nang makitang gising na ito habang
si Jake naman ay nagpaalam na tatawag na muna ng doktor.
Inabot ni Lea ang mga kamay ni Janna. Binalot ng guilt ang puso niya sa kaisipang baka narinig nito
ang naging pagtatalo nila ng ama nito. “Sweetheart, I’m sorry.” Ang tanging nasabi niya. “I’m so sorry.”
Hindi sumagot ang bata. Pero pumatak ang mga luha nito. Muli ay nadurog ang puso ni Lea sa
nakita.