Chapter 15
Chapter 15
“THANK you not just for tonight, Tim. But for everything.”
Ngumiti si Timothy kay Lea nang makita ang sincerity sa mga mata nito. Kahit kailan talaga ay
napakadali nitong basahin. Marahang hinila niya ang dalaga palapit sa kanya at hinagkan sa noo.
Bago niya nakilala si Lea ay wala siyang ginusto na hindi niya nakuha. Sa bawat gagawin niya ay
sinisiguro niyang nananalo siya. Na nagtatagumpay siya. Ganoon rin pagdating sa babae. Kapag may
nagugustuhan siya ay nakukuha niya. Wala siyang pakialam sa kung paano mang paraan makuha ang
gusto. Ang mahalaga ay makuha niya.
But meeting Lea changed him. At kusa niyang niyakap ang mga pagbabagong dinala nito sa buhay
niya. Ito ang nag-iisang babaeng hindi niya nakuha. Hindi na siya gumawa ng paraan para makuha ito.
Dahil duda siya kung… magpapakuha nga ba ito. Nakuntento na siyang maging sandalan ni Lea sa
pagdaan ng panahon. Nakuntento na siya sa kung ano ang kaya nitong ibigay. For the first time, he
didn’t care about his ego, his heart, or his self. All that mattered to him was the happiness of this very
beautiful lady in front of him.
Yes, she was very beautiful. If only Jake would see that.
Hindi gaya ng inaakala ni Lea ay si Timothy ang mas natututo rito. Siya ang natuturuan nito. Sa
pagdating nito ay mas nagawa niyang pahalagahan ang salitang pagmamahal. Noong una ay inakala
niya pang dala lang ng simpatya kaya niya inilapit ang sarili rito. Dahil unang paglabas pa lang nila ay
natuklasan niya nang iba ang itinitibok ng puso nito.
Nang si Timothy pa ang nagkataong maging doktor ni Lea, dapat ay iniwasan niya na ito. Because she
scared him. She made him feel more than compassion towards his patients. Pero hindi niya napigilan
ang lumapit rito. Dahil hindi niya kayang makitang nag-iisa ito. All he knew back then was that he
needed to be there for her. But that need turned out to be something he never expected.
He fell in love with her.
Sampung taon na rin simula nang mahalin ni Timothy si Lea. Masaya ba siya? Oo. Masaya siyang
natutulungan ito. Masaya siyang siya ang nasasandalan nito. Masaya siyang nakikinig rito. Masaya
siyang nagmamahal rito. Nawawala lang ang saya na iyon sa tuwing nakikita niyang nasasaktan ito. Sa
tuwing mas lumalamang ang kagustuhan niyang sugurin si Jake at suntukin kapag umiiyak na ang
dalaga.
Nakuntento na si Timothy na manahimik. He stayed by her side for years. Wala siyang hininging
kapalit. Ang mga pagpapayo niya pa nga ay may kinalaman lahat sa pagkakaayos ng pamilya ni Lea.
Dahil gusto niyang matupad ang pangarap nito at ni Janna na para niya na ring tunay na anak. Gusto
niyang mabuo ang pamilya ng mga ito. Dahil napakahirap na unahin ang sarili niyang kagustuhan, ang
sarili niyang nararamdaman pagdating sa mag-ina, sa mag-inang kung tumitig sa kanya ay para bang
napakabuti niyang tao. Kaya naman ginusto niyang panindigan iyon: ang pagiging mabuti.
Dahil ang pagmamahal na totoo, na-realize ni Timothy, ay nagbibigay. Hindi pala iyon give and take.
Dahil hindi ito nag-iisip ng anumang matatanggap. It’s give and give. At kung mabigyan ka rin o
makatanggap ka rin sa dulo, bonus na lang siguro iyon.
“May you be loved this time, Lea.” Pabulong niyang sinabi. “Because you deserve it so much.”
Ngumiti lang ang dalaga bago nagpaalam na sa kanya. Pumasok na ito sa gate. Palapit na sana siya
sa kotse niya nang mapansin niya si Jake na palapit rin sa kanya. Gaya nang dati ay makulimlim ang
anyo nito. At magandang sign iyon kahit paano para sa kanya.
“Mukhang napapadalas na ang pagdalaw mo rito, pare. Pero hindi naman na kailangan. Dahil nandito
na ako. Nandito naman ako.”
Ngumiti si Timothy kahit ang una niya sanang gustong gawin ay suntukin ang lalaki. “Don’t ever make
Lea feel lonely again, Jake. Dahil isang-isa na lang, eeksena na ako. At hindi ako nagbibiro.”
Nagtagis ang mga bagang nito. “Pinagbabantaan mo ba ako?”
“Of course not. Sa maniwala ka man o sa hindi pero gusto kong maayos n’yo ang pamilya n’yo. As
Lea’s most trusted friend and as someone who stayed by her side for the past ten years, I’m giving you
another chance to make things right.” Tinapik ni Timothy si Jake sa balikat bago niya ito nilampasan.
“Bihira akong magbigay ng pagkakataon. Kaya sana ‘wag mong sayangin.”
“Damn you.” Narinig niyang sinabi ni Jake nang pasakay na sana siya sa kotse.
Nilingon niya ito. “You can curse me all you want and I don’t mind. I’ve been doing that to you for ten
years anyway.”
“MAY tatlong bibe akong nakita. Mataba, mapayat, mga bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa.
Siya ang lider na nagsabi ng kwak, kwak.”
Napahinto sa paglalakad papunta sa kusina si Lea nang marinig ang para bang pinukpok ng lata na
boses na iyon. Dahan-dahan siyang sumilip sa kusina. Nasorpresa siya nang mapatunayang kay Jake
nga nagmumula ang boses na iyon. Nakatagilid ito sa direksyon niya at para bang seryosong-seryoso
sa ginagawa dahil ni hindi siya nito napansin. But he was singing with gritted teeth as his hands and
feet moved along with the famous children song.
“Tayo na sa ilog ang sabi. Kumendeng-kumendeng ang mga bibe. Ngunit ang may pakpak sa likod ay
iisa. Siya ang lider na nagsabi ng kwak-kwak.”
Nang makita ang para bang hirap na hirap na paggalaw ng balakang ng binata ay hindi na napigilan ni
Lea ang pagngiti na mayamaya ay nauwi rin sa paghagikgik. Noon napatingin sa kanya ang binata.
Hindi nakaligtas sa kanya ang pamumula ng mga pisngi nito. Dahil nabuking na ay tuluyan na siyang
pumasok sa kusina. “I never for one moment, thought that you could sing and dance like that. I’ve
never seen you do it before.” Amused pang sinabi niya. “What was that for, Jake?”
Napatitig sa kanya ang binata. Hindi nagtagal ay gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. “Heck, had I
known that singing that song was the only way I could see you smile and I could hear you laugh again
like that, I should have done that a long time ago. ‘Di bale nang magmukhang tanga.” Pilyong kumindat
ito. “’Want me to sing once more?”
Iginalaw ni Jake ang mga braso. “Tayo na sa ilog ang sabi. Kumendeng-kumendeng ang mga bibe.”
Muli ay iginalaw-galaw nito ang balakang. “Ngunit ang may pakpak sa likod ay iisa.” Tinapik nito ang
balikat. “Siya ang lider na nagsabi ng kwak, kwak.” Sumunod na iminuwestra nito ang mga kamay at
braso na parang sa bibe.
“My God.” Naibulong ni Lea habang patuloy sa pagtawa na hindi nagtagal ay sinabayan rin ng pagtawa
ng binata. Naramdaman niya ang pamamasa ng kanyang mga mata. Napakatagal na rin simula nang This is property © NôvelDrama.Org.
huli siyang tumawa ng ganoon kasama si Jake. Ni hindi niya na matandaan kung kailan eksakto. But it
felt… nice. Pakiramdam niya ay tuluyan nang nagiba ang mataas na pader sa pagitan nila. “You’re
crazy.”
Huminto na si Jake sa pagtawa at muli ay pinakatitigan siya habang nangingiti pa rin. Lumapit ito sa
kanya at ikinulong ang mukha niya sa mga palad nito. “You’re beautiful.” Parang namamangha pang
sinabi nito.
Natigilan si Lea. Muli ay nakaramdam siya ng pagkailang. Humakbang siya paatras. Hindi niya na
itinuloy ang tangka sanang pagkuha ng maiinom sa kusina. Umalis na siya roon at dumeretso
hanggang sa labas ng kanilang bahay para mag-jogging. Ganoon ang ginagawa niya sa tuwing
nahihirapan siyang makatulog. Wala namang problema kung sa gabi niya iyon gawin. Dahil mahigpit
ang security sa village nila. Bukod pa roon ay mas nakakapag-isip siya kapag ganoon. Tahimik sa
paligid. Presko ang hangin. Wala nang ibang tao.
Nang mapagod ay huminto si Lea sa namataang playground. Wala sa loob na nahiga siya sa damuhan
roon at hinihingal pa ring pumikit. Gustong-gusto niyang sumubok kay Jake. Pero nag-aalala siya. She
had already lost so much by loving him. Nawala ang mga magulang niya. Nawala ang katauhan niya,
ang pagiging si Lea niya. Nawala ang pride niya. Yes, she gained Janna. Pero kahit ito ay muntik na
ring mawala sa kanya. Nag-aalala siyang kapag ibinuhos ang lahat ng nararamdaman ay mas malaki
ang susunod na mawawala sa kanya.
Hindi nagtagal ay nakarinig si Lea ng mga kaluskos. Pero hindi siya nagmulat. Dahil nalalanghap niya
ang pamilyar na swabeng pabangong iyon, ang pabangong paborito niya pa rin hanggang ngayon.
Mayamaya pa ay naramdaman niya ang pagtabi ng nagmamay-ari niyon sa kanya.
“Every single day, I watch you and Janna and I couldn’t help but regret. Nasa iisang bahay tayo, oo,
pero may mga oras na pakiramdam ko ay ang layo-layo nyo. You have this strong bond with each
other and I couldn’t get inside that bond. Hindi ko alam kung maniniwala ka pero… nasaktan ako
noong araw na hindi mo tanggapin ang proposal ko. I felt like the biggest jerk on the planet. I… I felt so
damn worthless. Hindi ako pumasok sa relasyon sa nakaraang mga taon dahil hindi ‘yon mawala-wala
sa isip ko.
“I met Diana and yeah, I fell for her. But still, that worthlessness feeling remained inside me. Nang
nagpo-propose ako sa kanya, ang rejection mo ang naiisip ko. Nang tanggapin niya naman iyon, saka
naman ako nag-alinlangan. I couldn’t protect you and Janna. I always bring pain to the ones I care
about. Paano kung masaktan ko rin siya? And when we get there at the church on my wedding day, I
was agitated. Pero hindi ko iyon maamin noon sa sarili ko. I saw Diana having second thoughts and so
was I. Your face kept popping in my head for reasons I couldn’t understand. And I kept hearing Janna’s
voice calling out to me. Para akong mababaliw.”
Nagmulat si Lea at humarap kay Jake. Gaya niya ay nakahiga rin ito sa damuhan. Naabutan niya itong
nakatitig sa kalangitan. There was sadness in his eyes. And pain, too. Mga bagay na araw-araw ay
nasisilip niya sa sariling mga mata sa tuwing humaharap sa salamin at sa mismong mga mata ng anak
na sa batang edad ay natututo na ring magtago ng emosyon. Dahil parati nito iyong pilit na itinatago sa
kanya. Alam niyang sa kabila ng kasiyahan nito ay may bahagi pa rin ritong nalulungkot. Dahil hindi pa
sila nabubuo nang husto.
Ano nga bang dapat na gawin kapag parang ang buong pamilya na ang nasasaktan? They’ve been
hurting for quite a while now. Ang pagkakaiba nga lang ngayon ay magkakasama na silang
nasasaktan. Pero kapag pinaalis niya na ba ang dahilan ng sakit na iyon, mawawala kaya ang sakit? O
lalong madaragdagan?
Napakahirap din talagang maging ina. Napakahirap magdesisyon. Dahil may iba pang buhay na
nakasalalay sa desisyong iyon.
“And while she was walking down the aisle, I had these sudden thoughts in my head. Naisip ko, paano
kaya kung ipinagpilitan ko pa rin ‘yong sarili ko noon sa ‘yo sa kabila ng pagtanggi mo? Paano kung
tayong dalawa kaya ang ikinasal? Ano kayang mangyayari? When Alexis came, tiningnan ko si Diana.
I saw something in her eyes despite of her shock. I saw… hope. Hope of being saved. And then came
you and our daughter.” Noon humarap sa kanya ang binata. Ngumiti ito. “And I thought, there goes my
own salvation.”
Natulala si Lea. Sa kauna-unahang pagkakataon, tuluyang umahon ang pag-asa sa puso niya.