Once Upon A Time

Chapter 11



Chapter 11

“I THINK Adam is falling in love with you. Tama naman siya, eh. Iyong mga ginagawa niya para sa ‘yo,

ngayon niya pa lang ginawa ‘yon sa buong buhay niya. I’ve never seen him acted that way before.”

Agad na nagmulat si Selena nang maramdaman ang pagdistansya sa kanya ni Dean matapos niyang

ipaliwanag rito ang mga napag-usapan nila ni Adam. Ilang segundo pa lang simula nang mawala ang

mga braso ng binata na nakayakap sa kanya mula sa kanyang likuran pero ganoon na lang katindi

kaagad ang kawalan na nararamdaman niya.

Nasa maliit na terrace sila ng cottage nang mga sandaling iyon sa pribadong resort sa Batangas na

pagmamay-ari ng pamilya ni Chynna. Nauna si Selena roon noong umagang iyon at sumunod sa

kanya si Dean bandang gabi. Hindi na sila pwedeng makita ngayon sa mga pampublikong lugar bilang

bahagi ng pag-iingat nila.

Pinigilan niya sa braso si Dean nang tangkang papasok na ito sa cottage nila. Dalawang kwarto iyon

kaya walang problema. Bukod pa roon ay gentleman ang binata. Kahit pa magsolo sila sa iisang lugar

ay hindi siya nag-aalala.

Malinaw na makikita ang pinaghalong kirot at pag-aalala sa mga mata ni Dean nang humarap ito kay

Selena.

“Selena, hindi kaya…” His voice trailed off. “Hindi kaya nabigla ka lang nang ako ang piliin mo? You

loved Adam once and he seems to love you now. May oras ka pa kung tutuusin para itigil ito at itama

ang lahat. Malaya ka pang bumalik sa kanya tutal ay kayo naman talaga ang para sa isa’t isa-”

“So you’re just giving me away?” Hindi makapaniwalang tanong ni Selena. Parang bigla ay gustong

sumama ng loob niya sa binata.

“Hell, it’s not that!” Para namang natetensyong naihilamos ni Dean ang palad sa mukha nito. “Kaya

kitang pasayahin. Kaya kitang mahalin. Kaya kong gawin ang lahat para sa ‘yo, Selena. Pero natatakot

rin ako minsan na baka hindi maging sapat para sa ‘yo ang lahat-lahat ng kaya ko. You’re simply up

there. You are the Avila’s princess. You are the society’s famous Selena Avila. Everyone look up to

you. Habang ako… ganito lang.” Walang buhay na natawa ang binata. “Luging-lugi ka masyado sa

isang tulad ko. You deserve a prince, Selena. And never a prince’s subordinate.”

Pigilan man ni Dean ay hindi maitatanggi ang insecurity sa boses nito. Awtomatikong nalusaw ang

sama ng loob ni Selena. Pero iba ang pumalit roon. Sakit. Nasasaktan siya para sa binata. Nasasaktan

siya sa kaisipang ang sirkulo mismong ginagalawan nila ang siyang isa sa mga nagbigay ng maling

impresyon ng binata tungkol sa sarili nito.

“Hold my hand.” Mayamaya ay sinabi ni Selena.

Inabot ni Dean ang palad ni Selena at agad na hinagkan iyon. Rumehistro ang guilt sa anyo nito. “I’m

sorry for being a pain in the ass. Dapat hindi ako nagpadala sa emosyon ko. Dapat-“

“Ayoko nang hahawakan mo ako ‘tapos bibitawan mo ako. I’ve had enough of that with Adam. So it’s

either you hold me forever or you let me go now, Dean. Pero bago ‘yon gusto kong malaman mo na

kapag nagmahal ako, hindi ako nabibigla lang. When I say yes to someone, I mean that. Ikaw ang pinili

ng puso ko, Dean. And you will never be just a prince’s subordinate to me. Hindi ka kailanman

magiging kung sino lang para sa akin. If I’m a princess then you are my prince. And you are everything

to me.”

Nang unti-unting masilip ni Selena ang pagliliwanag ng mukha ni Dean ay hindi na nakatiis na pinitik

niya ang tungki ng ilong nito. “Paano mo naisip na hindi sasapat sa akin ang isang tulad mo?

Samantalang ‘yong pagmamahal mo, ‘yon ang pinakakailangan ko.”

“I’m sorry.” Hinapit siya ng binata sa baywang. “Unang kita ko pa lang sa ‘yo sa mansyon, pinangarap

na kita. And sometimes, it’s just hard to finally accept the fact that my dream is now in front of me.

Dahil hindi ko naman inakalang magiging posible ‘to. Nahahawakan, nayayakap at nahahalikan ko ang

mismong pangarap ko. Bakit pa ba ako nagkakaganito?”

Ipinaikot ni Selena ang mga braso sa batok ng binata. “Sige nga. Kung pangarap mo talaga ako,

iparamdam mo nga.” Nanunukso nang sinabi niya. “Make it up to me.”

Gumanti ng ngiti ang binata. “How?”

“Own me tonight. Make me feel completely yours tonight.”

Pilyong ngumiti si Dean. “Sa lahat naman ng pinagawa mo sa akin, ‘yan ang pinakanagustuhan ko.”

Anito bago maalab na hinagkan si Selena sa mga labi na buong-puso niya namang tinugon. Binuhat

siya ng binata nang hindi naghihiwalay ang kanilang mga labi. Dinala siya nito sa kanyang kwarto at

dahan-dahang ibinaba sa naghihintay na kama.

Walang pagmamadali sa kilos na inalis ni Dean ang mga saplot ni Selena. Nang bumungad rito ang

kabuuan niya ay muling gumuhit ang sinserong ngiti sa mga labi nito. Rumehistro ang pagkamangha

sa mga mata nito na sandaling pinagsawa ang mga mata sa nakikita.

“Have I told you just how beautiful you are, mahal?”

Matamis na napangiti si Selena. Mahal. Ngayon lang siya tinawag ni Dean ng ganoon. And she

realized she liked that endearment. She liked that better than the princess he often called her. Dahil

mas punong-puno iyon ng emosyon. Sa simpleng salita na iyon ay naroroon na ang lahat ng gusto

niyang marinig.

“Every single day, mahal.” Ganting-bulong ni Selena. Muling nag-init ang mga mata niya. Dahil

sadyang ganoon si Dean. Araw-araw ay ipinaparamdam nito sa kanya kung gaano siya kamahal nito

na siyang nagpapatunaw parati ng puso niya. And he would compliment her every day. She would

always catch him looking at her like she was the most beautiful woman he had ever seen. Kaya araw-

araw siyang mas nahuhulog rito.

Kung tutuusin ay nasa binata na ang lahat. He was perfect. Just as he is.

“Then I will say it again. You are so beautiful, mahal.”

“And so are you-“Hindi na natapos pa ni Selena ang mga sasabihin nang muling sakupin ni Dean ang

kanyang mga labi. Nang gabing iyon ay paulit-ulit silang naging isa, paulit-ulit nitong ipinaramdam sa

kanya kung gaano siya kahalaga. At alam niya, lumipas man ang mahabang panahon, isa iyong

pangyayaring hinding-hindi niya na malilimutan pa.

Dahil iyon ang kauna-unahang beses na isinuko ni Selena ang sarili nang buong-buo sa isang tao kung

paanong buong-buo ring isinuko ni Dean ang sarili sa kanya.

“ULITIN MO nga ang mga sinabi mo, Selena.”

Kahit pa nanginginig ang mga tuhod ay sinikap salubungin ni Selena ang mga mata ng ama. Pinigilan

na siya ng kanyang ina na gawin iyon pero hindi siya nakinig. Ilang linggo na lang bago ang kanyang

kasal. Mas maaga pang naipamigay ang mga invitations kaysa sa inaakala niya.

Kahit si Adam ay bingi-bingihan rin sa mga sinasabi ni Selena at ayaw niya man ay namumuo na ang

galit niya para rito. Ilang ulit na pinagbigyan niya ito noon pero siya itong hindi nito magawang

pagbigyan ngayon. Content is © 2024 NôvelDrama.Org.

Kung talagang mahalaga si Selena para kay Adam ay palalayain siya nito. Pero hindi nito ginagawa.

Kaya nang araw na iyon ay lakas-loob na nagpunta na si Selena sa mansyon ng mga magulang.

Inihatid siya roon ni Dean. Nasa labas pa ang kotse ng binata at naghihintay sa kanya. Gusto nitong

sumama sa kanya sa loob pero pinigilan niya ito. Gusto niyang siya na muna ang humarap sa mga

magulang. That was their last shot towards happiness. “I’m not going to marry Adam anymore, daddy.

I’m sorry.”

“Guards!” Sa halip ay biglang sigaw ng ama. Umalingawngaw sa buong sala ang galit na galit na boses

nito.

Sa loob ng ilang sandali ay sinalakay ng matinding takot si Selena. Mabuti na lang at nakaupo siya

kundi ay baka lalong nahalata ang panlalata niya. Noon pa man ay may takot na siya sa ama pero

triple ang takot niya nang hapong iyon lalo na nang palibutan siya ng mga gwardya ng ama. Datirati ay

mayroon rin siya ng mga iyon noong sa mansyon pa siya nakatira. Pinagbigyan lang siya ng ama na

mawala ang mga iyon at nang gustuhin niyang bumukod ng tirahan pero bago iyon ay ilang ulit na

muna nilang pinagtalunan iyon.

Nang huling ipakiusap ni Selena ang bagay na iyon sa mga magulang ay sinadya niyang nakaharap si

Adam. Sa tuwa niya ay kinampihan siya ng huli. Ito rin ang nagsabing hindi niya na kakailanganin pa

ng bodyguards. Tutal ay wala namang threat sa pamilya nila. Maganda na rin daw bumukod siya para

matutunan niyang maging independent nang sa ganoon sa oras na maging mag-asawa na sila ay hindi

na siya mahihirapang pag-adjust, pangangatwiran pa ni Adam noon. At gaya ng inaasahan ay

pinakinggan ito ng kanyang ama.

Mula’t sapul ay lumalabas na mas pinagkakatiwalaan pa ng kanyang ama si Adam kaysa sa kanya na

sarili nitong anak. At iyon ang isa sa mga ikinasasama ng loob ni Selena. Dahil ba hindi siya marunong

sa negosyo kaya ganoon na lang ang tingin sa kanya ng ama? Daig niya pa ang puppet na

minamanipula nito.

“Bantayan ninyong maigi ang suwail na iyan hanggang sa araw ng kanyang kasal. From now on,

escort her wherever she goes. Monitor her routine. Stay at her house if you have to.” Mataas pa rin ang

boses na wika ng ama. “Make sure that she would not do anything stupid. And never ever let her see

that Dean Trevino again!”

Namimilog ang mga matang napatayo si Selena.

Naningkit ang mga mata ng kanyang ama. “Akala mo ba hindi ko alam? Ang lakas ng loob ng lalaking

iyon na lumapit-lapit sa ‘yo samantalang wala naman siyang maipagmamalaki! Pinulot lang siya mula

sa kung saan ng mga Trevino! Noong una, hinahayaan ko siyang makalapit sa ‘yo dahil ang buong

akala ko ay tinutulungan niya si Adam na ayusin ang relasyon nyo pero nagkamali ako. One of my men

saw you both last night meet secretly! Isa siyang traydor! Binihisan na siya at lahat ng mga Trevino

para hindi magmukhang hampas-lupa pero sa huli ay tinuklaw niya pa ang mga kumupkop sa kanya!

“At ikaw, Selena, nag-iisip ka ba?” Lumapit kay Selena ang ama at dinuro-duro siya sa harap ng mga

gwardya. Lumapit na rin ang kanyang ina at pinigilan sa braso ang asawa. “Kung hindi ka pa pumunta

rito ngayon, ako na mismo ang susugod sa ‘yo ngayon! Paano mo nagawa ang makipagrelasyon sa

lalaking iyon? Isa kang malaking kahihiyan sa pamilya!”

“Talaga, daddy? Kung gano’n ay pasensya na po kayo. Hindi ko alam na isang malaking kahihiyan na

pala ngayon ang magmahal.” Mapait na sagot ni Selena sa ama. Ngayon niya pa lang ito sinagot.

Pagod na siyang maging sunod-sunuran. Gusto niya nang maging malaya. Pero ayaw nito iyong

ipagkaloob sa kanya. Kaya kahit sa salita man lang ay babawi siya. Ayaw niyang umalis sa mansyon

nila nang hindi naipagtatanggol man lang ang kauna-unahang lalaking nagpamalas ng totoong

pagmamahal sa kanya.

“You can say the worst things about me. Pero ‘wag nyo pong idadamay rito si Dean. It wasn’t his fault

that I love him, daddy. Kung tutuusin nga, mas may pagpapahalaga pa siya sa akin kaysa sa inyo na

sarili kong kadugo. At least, he lets me decide. Hindi niya ako tinatali sa isang bagay na hindi ko gusto.

Hindi katulad ninyo. Dahil gano’n ang pagmamahal, daddy. It’s allowing the one you love to be happy.”

Mayamaya ay sarkastikong natawa si Selena. “Oops, sorry. Pardon my words, daddy. I shouldn’t

mention love. Hindi nyo nga pala alam ‘yon. What do you know about that anyway, right? You’ve been

into a fixed marriage yourself. Hindi nyo alam ang pagmamahal kasi hindi nyo nga pala naranasan-“

Sa isang kisap-mata ay lumagapak ang palad ng ama ni Selena sa kanyang kaliwang pisngi.

Napasigaw ang kanyang ina. Habang siya naman ay napahawak sa nasaktang pisngi. Nalasahan niya

ang lansa na dulot ng dugo sa nasisiguro niyang pumutok niyang labi. So many first times took place in

her life that year. Kabilang na roon ang pananakit ng kanyang ama sa kanya.

Tumaas-baba ang dibdib ng ama. Namumula ang mukha nito sa galit nang humarap kay Selena. “Wala

kang karapatang pagsalitaan ako ng ganyan! Anak lang kita at pinagsisisihan kong ikaw ang naging

anak ko!”

Pumatak ang mga luha ni Selena. “’Wag kayong mag-alala, daddy. I feel the same right now.” Mahina

pero mariing sagot niya bago siya tumalikod na. Agad namang sumunod sa kanya ang tatlong mga

bantay niya.

Bago umalis si Selena ng mansyon ay kinuha ng isa sa mga body guard niya ang cell phone niya. Para

bang bago pa man siya dumating sa mansyon ng pamilya niya ay nabilinan na ang mga ito tungkol sa

mga gagawin. Isinakay siya ng mga ito sa isa sa mga kotse sa mansyon. Nadaanan pa nila si Dean na

naghihintay pa rin sa labas ng mansyon sa tabi ng sasakyan nito.

Muling tumulo ang mga luha ni Selena. Tinted ang bintana ng kotseng kinalululanan niya. Nang

subukan niyang buksan iyon ay agad na pinigilan siya ng bodyguard niya. Pakiramdam niya nang araw

na iyon ay opisyal nang idineklara ang pagsisimula ng mga miserableng araw niya.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.