Once Upon A Time

Chapter 16



Chapter 16

KUMABOG ang dibdib ni Selena nang malayo pa lang ay natanaw niya na ang sasakyan ng ama

malapit sa lupaing binili nila ni Dean. Nakatayo ang ama sa tabi ng sasakyan nito kasama ang dalawa

pang mga tauhan nito. God…

“Mama, bumalik po tayo.” Natatarantang wika ni Selena sa driver. Gabi na at wala siyang alam na iba

pang mapupuntahan pero bahala na. “Lumayo na po tayo rito. Pakibilisan po, utang na loob.”

Nagtataka man ay sumunod pa rin ang driver. Nanginginig ang mga daliring kinuha ni Selena ang cell

phone niya at idinayal ang numero ng asawa pero ring lang ng ring ang cell phone nito. Nagsimulang

mag-init ang mga mata niya nang sa wakas ay tigilan ang pagtawag rito. Muli niyang ibinalik sa

kanyang bag ang cell phone. Napuno ng mga alalahanin ang isip niya. Nasaan na ang kanyang mag-

ama? Ano na ang nangyari sa mga ito?

Nag-aalalang binalingan ni Selena ang nakatulog nang anak. Saan na sila pupunta ngayong mag-ina?

Parehong nasa malayong lugar ang mga kaibigan niya. Si Lilian ay bumalik na sa Amerika kasama ng

fiancé nito habang si Chynna ay nasa kung saang bahagi rin ng Pilipinas para sa shooting nito.

“Selena, get out of the cab now!”

Nanlamig si Selena nang marinig ang malakas na boses na iyon na halos isa’t kalahating taon niya ring

hindi narinig. Dahan-dahan siyang lumingon sa bintana sa gawi niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng

kanyang mga mata nang makita ang kotse ng ama na humahabol sa taxi na sinasakyan niya.

Bukas ang bintana sa gawi ng ama kaya kitang-kita niya ito. At galit na galit ang anyo nito.

“Manong, pakibilisan nyo po, parang awa nyo na!” Halos pasigaw nang wika ni Selena sa driver.

Sumunod naman ang driver. Binilisan nga nito ang pagmamaneho pero wala na ring nangyari. Dahil

hinarang na sila ng kotse ng kanyang ama.

Mabilis namang bumaba ng kotse si Selena kalong pa rin ang nagising na niyang anak. Nagsimula

itong umiyak. “Sweetheart, not now, please.” Basag ang boses na bulong niya habang tumatakbo sa

kalsada palayo sa ama at sa mga tauhan nito na humahabol na rin sa kanya.

She had never felt that helpless. Para siyang mababaliw. Ang alam niya lang ay kailangan niyang

gawin ang lahat para makalayo kahit gaano pa kaimposible ang bagay na iyon. Dahil natatakot siya na

muling ikulong ng sariling ama. At sa oras na muli niya pang maranasan iyon ay hindi niya na alam

kung makakayanan niya pa.

Dean, nasaan ka na ba? Tensyonadong naisaloob ni Selena. Sumabay sa pag-iyak ng anak ang pag-

agos ng kanyang mga luha. Nanlalabo na rin ang kanyang mga mata pero patuloy pa rin siya sa

pagtakbo.

Muling narinig ni Selena ang pagsigaw ng ama. Sandali siyang napatitig sa kanyang anak nang

magsimula na itong magkakawag pero hindi siya huminto sa pagtakbo sa kabila ng tumitinding

kapaguran. “Pasensya ka na, anak. Hindi ko gustong pagdaanan mo ito. Hindi ko gustong pagdaanan

nyo ito. But God… I can’t do anything to stop this-” Hindi na natapos pa ni Selena ang mga sasabihin

nang bigla na lang niyang naramdaman ang para bang paghagis ng kanyang katawan sa kung saan

kasabay niyon ay ang pag-alipin ng hindi maipaliwanag sakit sa buong sistema niya.

Pakiramdam ni Selena ay dinudurog siya mula sa kanyang ulo hanggang sa kanyang mga paa. Pero

agad ring napalitan ng kung anong pamamanhid ang pakiramdam niya. Tulalang napatitig siya sa

kalangitan. Madilim iyon. Pero siguro ay wala nang makatatalo pa sa kadilimang bumabalot sa kanya

nang mga sandaling iyon. Wala siyang maramdaman. May mga mukha siyang nakikita sa kanyang

harapan. May mga naririnig siya pero hindi na iyon pumapasok pa sa isipan niya.

Mayamaya ay pumatak ang mga luha ni Selena bago niya unti-unting ipinikit ang mahapdi nang mga

mata.

PINAHID ni Dean ang tumulong dugo mula sa kanyang ilong dala ng malakas na pagkakasuntok sa

kanya ng kapatid. Nag-eempake siya ng mga gamit nilang mag-anak nang dumating ito. At gaya ng

inaasahan niya ay wala itong inaksayang panahon para makaganti sa kanya.

“Mang-aagaw ka! You are just like your mother, you son of a bitch-“

Nahinto sa pagsasalita si Adam nang sa kauna-unahang pagkakataon ay gumanti si Dean ng suntok

rito. Nakahanda siya na tanggapin ang lahat ng suntok ng kapatid dahil aminado siya na nagkasala

siya rito. Pero ang idamay pa nito pati ang nananahimik niya nang ina ay ibang usapan na. All content is property © NôvelDrama.Org.

Sandaling natigilan si Adam bago muling sinugod si Dean at muli rin siyang lumaban. Strange.

Pagkatapos pa ng ilang suntok at sipa ng kapatid ay saka lang siya mas nakaramdam ng kapaguran…

kapaguran na manatiling tumatanggap na lang ng pananakit nito. Pagod na siyang manahimik. Pagod

na siyang hindi lumaban.

“Bakit hindi mo pa aminin? This isn’t just about Selena choosing me. It was more than that, Adam. It

had always been more than that. May iba pang dahilan kaya ka nagkakaganyan sa akin mula noon

hanggang ngayon.” Mapaklang wika ni Dean. Nalalasahan niya na ang dugo mula sa pumutok niya

nang mga labi.

“This is for being the cause of dad’s accident,” Sa halip ay sumisigaw pa ring wika ni Adam bago

muling tumama sa panga ni Dean ang kamao nito. “And this is for taking away the very first woman I’ve

ever loved!”

Bumagsak si Dean nang sikmuraan siya ng kapatid. Pero para bang hindi pa ito nakuntento sa sinapit

niya. Muli itong umatake. Pero nagawa nang makabwelo ni Dean. Dinaganan niya ang kapatid at siya

naman ang sunod-sunod na sumuntok rito. Sa bawat suntok ay katumbas ng lahat ng sakit at

paghihirap na naipon sa dibdib niya dahil rito at sa ina nito.

“This is for my heart.” Ani Dean nang suntukin rin ang kapatid sa panga. “And this is for the woman we

both love that got you and your mother even greedier. Para ito sa pagiging makasarili nyo dahil alam

nyong mapapasaya ko siya pero ayaw nyo kaming hayaang dalawa. I have given you several chances

before, Adam. Pero anong ginawa mo? Paulit-ulit mong binalewala si Selena. And may this serve as a

lesson to you, Adam. When you love someone, don’t ever take her for granted again.”

Nagpakawala muli si Dean ng suntok. Sa loob ng ilang sandali ay patuloy lang sila ni Adam sa

pakikipagpambuno sa isa’t isa. Marami nang mga gamit sa sala ang nabasag. At wala pa sana silang

balak na tumigil. Humihiyaw ang mga puso nila sa galit at hinanakit na kay tagal nang nakatago lang.

At dahil nakatago lang, sa halip na mabura iyon sa paglipas ng panahon ay lalo lang iyong

nadaragdagan.

Hindi pa sana sila hihinto kung hindi nila narinig ang pag-iyak ni Elijah. Saka lang natauhan si Dean.

Duguang nilapitan niya ang anak sa crib. Ilang sandali siyang napatitig sa sanggol bago nag-ulap ang

kanyang mga mata. Nakadama siya ng panliliit. Hayun siya at ganoon ang itsurang lumapit sa anak na

lalong lumakas ang pag-iyak nang makita siya na para bang natakot. At hindi niya ito masisisi.

Anong klase siyang ama at ganoon ang pinapamulat sa anak? Nanlalatang napaluhod si Dean sa tabi

ng crib. Mariing naipikit niya ang mga mata. Para lang mapamulat rin kaagad nang para bang may

malamig na hanging maramdaman sa paligid. Kakaiba ang lamig. May hatid iyong takot at panghihina

sa kanya. At sa kung anong biro ng tadhana, nang muling umiyak si Elijah, pakiramdam niya ay

naririnig niya sa isip niya ang iyak rin ng anak niyang si Shera.

Si Selena! Napatayo si Dean. Ano nang nangyayari sa kanyang mag-ina?

Puno ng tensyong humarap si Dean sa kapatid. Nahuli niya itong titig na titig sa kanyang anak. Lalapit

rin sana ito sa crib nang tumunog ang cell phone nito. Kumunot ang noo nito kasabay nang pagbaling

sa kanya. Sinagot nito ang tawag. “Yes, hello tito Zandro-“

Ilang sandali pa ay kitang-kita ni Dean ang pagkawala ng kulay sa mukha ni Adam. Dumulas sa kamay

nito ang hawak na cell phone.

“W-what happened?” Naaalarmang naitanong ni Dean.

“I… I w-was told that S-Selena was b-bumped by a car.” Para bang wala sa sariling wika ni Adam. “She

was r-rushed to the hospital and so was your d-daughter. But the c-child didn’t make it a-alive.”

Tinanggap ni Dean ang lahat ng mga masasamang pangyayari sa buhay niya. Dahil wala naman

siyang mapagpipilian. Namatay ang kanyang ina. Umalis ang kanyang tiyahin. Naiwan siya sa

madrasta na ipinalabas sa lahat na isa lang siyang ampon at araw-araw ay ipinamumukha nito iyon sa

kanya. Mayroon siyang ama na hanggang ngayon ay unconscious pa rin sa ospital. At mayroon siyang

kapatid… kapatid na sinadya siya ngayong araw para lang makapaghiganti sa kanya.

Naging masaya lang si Dean nang dumating si Selena. Nadagdagan pa iyon dahil sa kanilang mga

anak. For the first time in his life, he felt like he was truly blessed. Pero ngayon, naglaho na kahit ang

huling bakas nang pakiramdam niyang iyon.

Napatitig si Dean sa altar na ipinalagay ni Selena sa isang bahagi ng kanilang sala. Hindi Kita

kinuwestiyon ni minsan. Pero ngayon, hindi ko na mapigilan. Bakit? Bakit… Mo ginagawa sa akin

ito?


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.