Chapter 23
Chapter 23
“MABUTI PA ang mga matatanda, nagawa pa ring makahanap ng happy ending. Tayo kaya, Selena,
mahanap din kaya natin iyon para sa ating dalawa?”
Ang mga salitang iyon ni Dean ang kaagad na sumalubong kay Selena pagkalabas niya ng banyo sa
loob mismo ng master’s bed room ng itinayong bahay nila. Nakapagpalit na siya at pati ang asawa ay
ganoon rin. Kasalukuyan na itong nakaupo sa malaking kama habang titig na titig sa kanya.
Hindi lubos akalain ni Selena na may madaratnan siyang kumpletong mga gamit niya sa master’s bed
room. Naroroon rin ang mga sketch pads niya, mga lapis, pangkulay at iba pa. Sa gitna ng kwarto ay
naroroon ang painting na siya mismo ang subject. Nasisiguro niyang bago iyon dahil ngayon niya lang
iyon nakita.
Sa sala naman nang pumasok siya kanina ay bumungad sa kanya ang family portrait nila pati na ang
ilang mga larawan nila na siyang ikinasaya ng mga magulang niya dahil doon na rin pinatuloy ni Dean
ang mga ito lalo pa at dis-oras na ng gabi. Sa ngayon ay magkasama nang nagpapahinga ang mga ito
sa guest room.
“I… I saw the annulment papers.”
“Naaalala mo pa ba nang tanungin kita kung mahal mo si Adam? Nang sabihin mong oo, ang sabi ko,
palalayain ko na ang prinsesa ko gaano man iyon kahirap, gaano man iyon kasakit.” Sa halip ay sagot
ni Dean. “Dahil ano pang saysay ng pakikipaglaban ko para sa ‘yo kung may mahal ka nang iba? I
would have fight for you until my last breath had I felt that there’s still hope somewhere between us,
Selena. Pero wala na akong maramdamang pag-asa noon, especially I caught you kissing Adam a few
days ago and my world broke once again.”
Mariing naipikit ni Selena ang mga mata nang mabasa ang sakit na malinaw na nakarehistro sa mga
mata ng asawa na siya mismo ang may kagagawan. Ngayon ay malinaw na rin sa kanya ang lahat.
Hindi ito ang naunang bumitaw. “I’m so sorry, Dean.”
“Hindi na iyon mahalaga ngayon. Selena…” Bumakas ang insecurity sa boses ng asawa. “Selena,
mahal mo pa ba ako?”
“Bakit hindi ka nagpakilala nang mas maaga sa akin, Dean?” Puno ng paghihirap na wika ni Selena
nang dumilat siya. “You could have saved us both from more pain. You could have saved me from
confusion, from guilt and from uncertainties. Sana ay noon pa natin naayos ito. Sana ay hindi ako nagi-
guilty sa tuwing kasama ko si Adam at puro ikaw lang ang naiisip ko. Sana ay hindi ako nalilito dahil sa
tuwing nakikita kita, bumibilis ang tibok ng puso ko hindi gaya ng nararamdaman ko kapag kasama ko
si Adam.”
Napatayo si Dean. Bumakas ang pag-asa sa anyo nito. “I’m sorry. I just didn’t know how to tell you
without breaking you by the truth. Isa pa ay iyon ang ipinayo ng doktor sa amin dahil maselan pa ang
kalagayan mo. But you, telling me this, God… Selena, does this mean that-“
“Ang puso, may sariling talino. Hindi mo siya maloloko. Hindi mo siya magugulangan. Kaya nga puso.
Kasi mabilis makaramdam. That’s why you should never underestimate the heart’s capacity to
remember the things that the mind had forgotten, mahal.” Masuyong ngumiti si Selena. “The first time I
saw you again back at the hospital; I knew… that something was wrong. Lalo na rito.” Itinuro niya ang
kaliwang dibdib. “Dahil siya ang higit na nakaramdam na may mali. Na may foul play.” Kinindatan niya
ang nabiglang asawa. “I’ve missed you so, mahal. And I love you so. May amnesia man o wala, ikaw
lang. Ikaw lang parati.”
Inilang-hakbang lang ni Dean ang distansya sa pagitan nila. Mahigpit na niyakap siya nito. Mayamaya
ay puno ng pananabik na siniil nito ng halik ang kanyang mga labi. Nag-iinit na naman ang mga
matang tinugon ni Selena ang mga halik ng asawa. Nang buong puso. Nang buong kaluluwa. Ipinikit
niya ang mga mata at ipinaikot ang mga braso sa batok nito. Hinayaan niyang gaya ng dati ay ibalik
siya sa magandang panaginip ng halik na iyon.
Nang maghiwalay sila ay ikinulong ni Selena ang mukha ng asawa sa kanyang mga palad. “I’m so
sorry for what you had to go through alone. Patawarin mo ako kung wala ako sa tabi mo nang ilibing
ang anak natin.” Naglandas ang mga luha ni Selena sa naisip. “Patawarin mo ako kung hindi kita
kaagad naalala. Patawarin mo ako kung iba ang kasama ko sa mga oras na kailangan mo ako, sa mga
oras na dapat nasa tabi mo ako. Patawarin mo ako kung kinailangan mong solohin ang pagpapalaki
kay Elijah. Patawarin mo ako sa nangyari sa anak natin, Dean. Patawarin mo ako sa lahat ng mga
naging pagkukulang ko-“
“Ssh. Babangon tayo, mahal.” Puno ng pag-asang bulong ni Dean. “Alam mo namang duo tayo. Things
are always possible when we are together. Basta magkasama tayo, makakabangon tayo.
Malalampasan din natin ito.” Magiliw na idinikit ng asawa ang noo sa kanya. “Mahal na mahal kita.
Mahal na mahal ko kayo ni Elijah. Thank you for coming back to me.”
Muling ngumiti si Selena. “I will always come back to you, Dean.”
Nang huli silang magkita ni Dean at magpaalam ito sa kanya ay tinangay nito ang lahat ng liwanag sa
paligid niya. Pero sa pagbabalik ng asawa, sa pagbabalik nila sa isa’t isa, natatanaw na ni Selena ang
bahaghari. Sumisilip iyon sa kanila. Ngumingiti. Kumakaway. Nagpapahiwatig na natapos na ang unos.
At parating na ang mas maganda at mas payapang araw.
Epilogue
GUMUHIT ang napakagandang ngiti sa mga labi ni Dean habang pinagmamasdan si Selena na
naglalakad palapit sa altar… palapit sa kanya. Hindi siya pumayag na hindi maibigay sa asawa ang
kasal na alam niyang pinapangarap nito. Bukod pa roon ay gusto niya ring iparating sa lahat na kanya
na si Selena kung paanong pag-aari na siya nito. Kaya heto, eksaktong tatlong buwan matapos nitong
muling bumalik sa piling niya ay ikakasal sila uli.
At sa pagkakataong iyon ay hindi lang piling mga tao ang makakasaksi ng pagmamahalan nila. Dahil
mayroon na silang basbas mula sa kani-kanilang mga pamilya. Wala nang hahadlang. Hindi na nila
kailangang magpakalayo-layo. Hindi na nila kailangang mag-alala para sa darating na bukas. Hindi na
nila kailangang magtago. Dahil sa wakas, tanggap na sila ng lahat, maliban na nga lang kay Leonna na
ilang araw bago ang kasal nila ni Selena ay nabalitaan niyang nangibang-bansa. Pero umaasa siya na
isang araw ay mahahanap rin nito ang uri ng kapayapaan na natagpuan niya na.
Matagal na silang nakapagsimula ng panibagong buhay ni Selena. Pero naiiba ang araw na iyon.
Naiibang simula iyon. Noon sa isla ay bumuo sila ng mga pangarap. At sa araw na iyon ay ang
katuparan ng mga pangarap na iyon. Wala nang hari na mag-aalala na bumaba sa pedestal ang anak
nito. Dahil sisiguruhin ni Dean na mananatili sa kanyang prinsesa ang korona nito. Gagawin niya ang
lahat para siguruhin na mananatili si Selena, ang kanilang anak at mga magiging anak pa sa buhay na
nararapat sa mga ito.
Binabawi niya na ang naisip noon. Hindi totoo ang sumpa sa San Diego Compound. Dahil mananatiling
walang epekto ang anumang sumpa pagdating sa tunay na pag-ibig. Ilang araw matapos nilang
magkabalikan ni Selena ay hiningi nila sa nabiglang landlady nila ang address ng sementeryo kung
saan nakalibing si Pepe.
Malaki rin ang naging kontribusyon ng lupain ni Pepe sa kwento nila ni Selena kaya hinangad nilang
mabisita ito. At nang sa wakas ay magawa nila iyon, sa permiso ng anak nitong si Elvira ay nagsama
sila ng pari at pinabasbasan ang puntod nito kasabay ng pag-aalay nila ng munting dasal para rito.
Humingi na rin sila ng tawad dahil sa paulit-ulit na pagbanggit sa pangalan nito ng mga tao tungkol sa
kumakalat na sumpa.
“Loving a woman can really bring out the waterworks in a man’s eyes. And… I hate it.” Anang best man
niyang si Adam. “Nakakawala ng dignidad. Here.” Inabutan nito si Dean ng panyo. “Kapag pinaluha ka
ni Selena, isumbong mo sa akin.”
Amused na nilingon ni Dean si Adam. “Bakit? Anong gagawin mo?”
“Ah… makikiusap na ‘wag ka nang paluhain? Nah,” Natawa si Adam. “On second thought, ‘wag ka na
lang palang magsumbong. Alam mo namang pareho tayong ilag kay Selena.”
Nagkatawanan sila ni Adam. Ni minsan hindi inakala ni Dean na magiging posible ang ganoong
usapan sa pagitan nila. Their love for Selena made it possible. Bigla ay naglaro sa isipan niya ang mga
napag-usapan nila noong magkita sila sa ospital matapos niyang dalhin roon si Selena.
“I hated you every single day of my life since you came. Dahil parating napakadali para sa ‘yo na
makuha ang atensyon ni Dad. Napakadali mong makuha ang ngiti niya. Habang ako, kailangan ko
pang parating pagsikapan iyon. Nag-iisa akong anak. I would have welcomed you as my brother had I
not seen the way he looks at you. Dahil hindi siya gano’n sa akin.
“Nang maaksidente siya, lalo akong nagalit sa ‘yo. Imagine, naaksidente siya kakahabol sa ‘yo.
Samantalang ako, sigurado akong hindi niya gagawin iyon sa akin. I worked my ass off for the past
years. Ginawa kong weekdays ang weekends. Nagtrabaho ako nang husto. Nagsumikap ako para sa
paggising ni Dad, makita niya na hindi ko pinabayaan ang kompanya. Kinalimutan ko ang personal
kong buhay at pinaglingkuran ang kompanya dahil lang umaasa ako na mabibigyan niya rin ako ng
ngiti na ibinibigay niya sa ‘yo kahit hindi ako sigurado kung magigising pa siya.” Malungkot na sinabi ni
Adam nang maupo ito sa tabi ni Dean sa chapel ng ospital.
“You see, sabik ako sa approval ni Dad. I strive to be the best. Iyong mga nakaraang graduations ko,
parati siyang abala sa negosyo at hindi nakakapunta. Parating si Mama ang nagsasabit sa akin ng
medalya. Pero hindi ako sumuko hanggang mag-college ako. Pinilit kong abutin ang pinakamataas na
karangalang pwedeng maabot ng isang nag-aaral. Still, Dad never came. But with you, he came. And I
saw just how proud he was.” Napahugot ng malalim na hininga si Adam. “At nagalit na naman ako, na
selos ang pinag-ugatan.
“Ngayon alam ko na kung bakit ganoon si Dad. Siguro, subconsciously, naramdaman niya nang hindi
niya ako anak.” Natawa si Adam pero walang buhay iyon sa pandinig ni Dean. Nilingon siya nito. “Alam
mo bang noon ko pa alam na mahal mo si Selena?”
Napamaang si Dean.
“I think everybody knows. Except Selena.” Bahagyang ngumiti si Adam. “Automatic ‘yong pagngiti mo
sa tuwing nakikita mo siya. And I was cruel. Naisip ko, at least, I have something you don’t have. In a
way, I sought for revenge. I was really busy with the business so I thought bakit hindi ko gawing two-in-
one ang lahat? Makakapagtrabaho ako at makakaganti rin ako sa ‘yo sa tuwing pupuntahan mo si
Selena at ako ang hahanapin niya sa ‘yo. But as you know, karma strikes.” Nagkibit-balikat si Adam.
“Totoong mahal ko siya, Dean. Mahal na mahal. Na-realize ko iyon lalo na nang mawala siya.
“At nang magkaroon si Selena ng amnesia, nakahanda akong maging pinakamasamang tao para sa
kanya. I was willing to continue being with her even if it was wrong. That was how much I wanted to be
with her. Pero sa huli, ikaw na naman ang pinili niya.” Tumayo na si Adam. “Hindi ko na sasabihin sa
‘yong ingatan mo siya. I know you will. Just... make sure to marry her again. Give her the proper
wedding she deserves. And make sure to invite me.” Muli itong ngumiti. “At darating ako, bilang
ikahuling regalo ko para sa nag-iisang babae na pareho nating mahal. I’m sorry for everything…
brother.”
Sa nakalipas na dalawang taon, napakaraming natutunan ni Dean. Maraming uri ng pag-ibig kaya
marami itong nakahandang ituro para sa mga matatapang na nagmamahal. Nangunguna na roon ang
pag-ibig sa Kanya. Ang pagtitiwala sa Kanya na anuman ang mangyari, lahat ay naaayon sa plano
Niya.
Pangalawa ay ang pag-ibig ng mga magulang. May mga pagkakataong napakahirap niyong
maunawaan. May mga pagkakataong bilang anak, pakiramdam mo ay nasasakal ka na. Pero sa oras
na malaman mo ang rason sa likod ng pagrerenda nila sa ‘yo, mauunawaan mo na may punto pala
sila. Hindi lang pala sila basta nagrerenda nang walang dahilan. Parati silang may dahilan. Hindi
madali ang pinagdaanan nila ni Selena sa kani-kanilang mga magulang. Pero sinisikap na nilang
ayusin ang lahat ngayon lalo na sa ama ni Selena.
Pangatlo ay ang pag-ibig ng mga kaibigan. Gumanti ng ngiti si Dean sa pare-parehong naka-thumbs-
up na sina Lilian, Chynna, Luis, Domingo, at Mark na siyang mga tumulong sa kanila noon ni Selena.
Natatangi ang pag-ibig ng isang tunay na kaibigan. Maaasahan iyon. Sa lahat ng pagkakataon. Wala
iyong pinipiling oras para dumamay. Parating nakahanda ang mga kamay ng mga iyong umalalay.
Pang-apat ay ang pag-ibig para sa anak. Walang malaki, maliit, o katamtamang pag-ibig para sa anak.
Parati iyong umaapaw. Sumunod na nilingon ni Dean ang anak na si Elijah na palakad-lakad sa loob
ng simbahan habang sinusundan ng kanyang ama na si Bernardo. Hindi niya mapigilan ang matawa
sa mag-lolo pati na rin ang mga bisita. Hindi man nila kasama si Shera ay alam niyang parati nilang
babaunin ni Selena ang mga alaala ng ngiti at hagikgik nito sa kanilang mga puso. Patuloy itong
mabubuhay… sa mga kwento nila ng asawa tungkol rito.
Pang-lima ay ang pag-ibig para sa sarili. Mahalaga pala iyon. Hindi ka pwedeng magmahal kung hindi
ka buo. Hindi pwedeng one-fourth o one-half lang ang ibigay mo sa sarili mo. Sa kabila ng nakaraan
mo, mahalaga na malaman mo na karapat-dapat ka pa ring mahalin at karapat-dapat mo pa ring
bigyan ng isang daang porsyento ng pagmamahal ang sarili mo.
Pang-huli ay ang pag-ibig para sa isang natatanging tao. Gaya ng pag-ibig na mayroon siya para kay From NôvelDrama.Org.
Selena. Kung hindi siya nito minahal ay hindi niya rin siguro matututunang mahalin ang sarili niya.
Komplikado ang mundo. Magulo. Mapanganib. Mapaglaro. Kaya mahalaga na may makakasama.
Mahalaga na may minamahal ka na siyang magpapa-realize sa ‘yo na ano naman ngayon kung
magulo, mapanganib o mapaglaro ang mundo?
“I love you.” Bulong ni Selena nang tuluyan na itong makalapit kay Dean.
“I love you, too, Selena. I love you so much.” Marahang pinisil ni Dean ang kamay ni Selena. Kasing-
liwanag ng ngiti nito ang umaga. Pinagmasdan niya ito sa kabila ng mga narinig na pagtikhim sa
paligid. Napakaganda nito. At kailanman ay hindi na yata siya masasanay pa sa bagay na iyon. “I see
you and I see my everything all at once.”
Napalingon si Dean sa altar. Ang lahat ng mga nangyari sa kanila ni Selena ay isang patunay na may
Diyos. And He was good… all the time.
Wakas