Chapter 11
Chapter 11
“CLARICE didn’t know the extent of all the informations I have read in our father’s diaries, bro.
Hanggang maaari ay iniiwasan kong mapag-usapan naming mag-asawa si Dad.” Bumuntong-hininga
si Alano sa kabilang linya. “Mahal ako ng asawa ko, sigurado ako sa bagay na iyon. I was just afraid
that talking about our family might ruin the atmosphere here.”
“I’m just going to talk to her, Kuya,” pagpupumilit pa rin ni Austin. Palakad-lakad siya sa condo unit ni
Maggy. Halos masiraan siya ng bait nang paggising ay wala na roon ang lahat ng mga damit ng
dalaga. Ang naiwan na lang sa unit ay ang envelope sa sala.
Hindi kinuha ni Maggy ang mga dokumento maliban na lang doon sa may kinalaman sa kompanya. Sa
kabila ng pag-aalala, nakaramdam siya ng pagmamalaki para sa babaeng pinakamamahal. Maggy
was one selfless woman.
Nang magpunta si Austin sa reception at nagtanong doon ay napag-alaman niyang nirentahan lang
pala ni Maggy ang unit. Bayad na raw nito ang mga buwan na inilagi nito roon at hanggang ngayong
araw na lang daw ang dalaga doon.
Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha. Posibleng bumalik na ang dalaga sa Nevada o posible
ring nasa Pilipinas pa rin ito at sadyang lumayo lang sa kanya. At iyon ang hindi niya makakaya.
“Hindi basta kung sino lang ang pinag-uusapan natin dito, Kuya. We’re talking about your wife’s best
friend Maggy who just left me.”
“All right,” anang Kuya Alano niya matapos ang ilang segundong pananahimik nito. “Magsisimba na
muna kami ni Clarice. Pumunta ka na lang dito bago magtanghalian. And, bro, I know you’re hurt.
Believe me, I’ve been through that. Pero ingatan mo sanang magbanggit ng kung ano na maaring
makasakit kay Clarice. I love the woman, Austin—”
“Kuya, bakit tayo ang kailangang sumalo sa mga kasalanan ni Papa?” wala sa loob na putol ni Austin
sa mga sasabihin pa sana ng kapatid. Nagsimulang mag-init ang mga mata niya nang makita ang
pulang mantsa sa bedsheet. What he and Maggy shared on that bed was the most wonderful thing that
ever happened to him.
The emptiness that he had felt for the past years was replaced with something utterly beautiful when
Maggy came in his life. Binigyan ng dalaga ng kulay, saya, at kahulugan ang buhay niya. Before he
found out the truth, every moment he spent with her felt like an incredible joyride. Maraming nabago sa
kanya sa pagdating nito pero lahat ng pagbabagong iyon ay nagustuhan niya… at minahal niya.
Pero ngayon na damang-dama ni Austin ang pagkawala ng presence ng dalaga, pakiramdam niya ay
nakasakay pa rin siya sa isang kotse na bigla na lang nag-malfunction sa gitna ng isang
napakahabang daan. Pakiramdam niya ay naiwan siyang nakabitin sa ere. And unless another car
came and help him fixed the problem, he would remain stagnant and anxious in the middle of the lonely
road. Unless Maggy comes back, he would remain lifeless. Dahil tinangay ng dalaga ang lahat sa
kanya sa pag-alis nito. Including his joy, his heart, and his soul.
“Hindi naman tayo ang nagnakaw. Hindi rin tayo ang kriminal dito. Lalong hindi tayo ang may utang.
Pero tayo ang sinisingil at tayo ngayon ang nasasaktan.” Kumuyom ang mga kamay ni Austin. “You
and Clarice worked it out together. Why can’t Maggy and I work it out as well?”
“Austin…” Alano’s voice was suddenly edgy. “Hindi ko rin alam. I’m sorry. But maybe… this is destiny’s
way of saying that every life story is different. Hindi pwedeng pare-pareho dahil magkakaiba ang tao. All rights © NôvelDrama.Org.
Kahit nga kami ni Clarice, hindi ko pa rin sigurado kung saan hahantong. And I’m scared too, you
know.” Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na hininga sa kabilang linya. “Dahil hindi ko alam
kung hanggang kailan niya kayang intindihin at tanggapin ang nagawang kasalanan ng mga magulang
natin.”
Natigil sa pag-iisip si Austin nang matanaw ang pagkukulitan nina Clarice at Alano sa kusina ng bahay
ng mga ito. Parehong mukhang masaya ang mag-asawa. Hindi mababakas ang itinatagong takot ng
kuya niya sa mga pangyayari. Nagpunta siya roon gaya nang napag-usapan nila ng huli. Nasa bahay
na siya ng mag-asawa pagdating ng mga ito mula sa pagsisimba.
“You, two, looked pathetic, happily pathetic,” may halong inggit sa boses na sinabi ni Austin. “And it’s
making me crazy.”
Natawa lang si Clarice samantalang si Austin naman ay sumandal sa hamba ng kusina. Si Alano ay
nagkunwaring abala sa paghahanda ng mga gulay na iluluto nito para sa kanilang tanghalian.
Mayamaya ay parang wala siya roon na naglambingan ang mag-asawa hanggang sa wakas ay naalala
na rin ng kapatid na naroon siya.
“Austin, bro, bakit ka nga pala naparito? Kung `di mo napapansin, nakakaistorbo ka na,” pabiro pang
sinabi ni Alano pero alam ni Austin na iyon ang pasimpleng hudyat ng kapatid sa kanya para buksan
ang usapin tungkol kay Maggy.
Hanggang ngayon ay nasosorpresa pa rin siya sa pagbabago ng kapatid. Datirati ay wala itong
pakialam sa nararamdaman ng iba. Pero ngayon ay makikita sa mga mata nito ang pag-aalala para sa
nararamdaman ng asawa. Kunsabagay, sa tindi ng pinagdaanan nina Clarice, Maggy at Yalena, sino
ba naman ang hindi magiging sensitive sa nararamdaman ng mga ito?
Kung kaya nga lang na akuin ang paghihirap ni Maggy ay ginawa na ni Austin nang mismong
sandaling natuklasan niya ang katotohanan.
“I met a girl and fell for her,” sagot ni Austin. Pinagmasdan niya si Clarice na bigla na lang nanahimik.
Kumuha ito ng baso at nagsalin ng tubig mula sa hawak nitong pitsel at uminom. Marahas na
napahinga siya bago nagsimulang maghabi ng kwento. “One silly night, we got drunk. She made me
sign something. Ang akala ko, marriage contract kaya pinirmahan ko. Paggising ko kinabukasan, wala
na siya. Wala na rin ang pera ko sa bangko at ang buong shares ko sa kompanya.”
“What?” Nilingon siya ng kapatid. “Hindi ka man lang ba nagduda? You just let her do that?”
“It was my first time to fall in love, Kuya. It was my first time to be with a woman. Wala akong alam sa
mga komplikadong bagay. Malay ko ba namang pagnanakawan niya ako? But she’s really lovely, thief
and all that.”
“What’s her name?” pag-udyok pa ni Alano.
“Maggy. Maggy de Lara.”
Naibuga ni Clarice ang iniinom na tubig pagkabanggit niya sa pangalan ng kaibigan nito. Sandaling
nagtama ang mga mata nina Austin at Alano nang marinig ang malakas na pagtikhim ni Clarice nang
makabawi na ito. “E-excuse me for a while. I… just need to go to the bathroom.”
Nang umalis si Clarice sa kusina ay sinundan ito ni Austin. Naabutan niya ito sa sala. “May kilala ka
bang Maggy de Lara, Clarice?”
Nahinto sa paglalakad ang babae.
“Alam mo bang kakaiba siya sa mga nakilala ko? She’s cruel and a tease. Pero sa nakalipas na mga
buwan na nagkasama kami, unti-unti, nasilip ko ang totoong pagkatao niya. Those negative things I’ve
mentioned, those were just her defense mechanism to protect herself.” Mapaklang napangiti siya nang
dahan-dahang humarap sa kanya si Clarice. “Ayaw niyang maging mahina. She was so afraid to show
the real her that’s why she put a mask on every single day, pretending she’s strong.”
“Austin—”
“Five days ago, ipinakilala ko si Maggy sa papa ko. I saw how she pointed a gun to the old man.”
Nanlaki ang mga mata ni Clarice. “Nakita ko kung paano siya magalit. But amid that, I saw her pain. I
saw… her heart.”
Tumulo ang mga luha nito pero gumuhit ang proud na ngiti sa mga labi pagkalipas ng ilang sandali.
“Yeah, that’s my best friend. I’ve always hoped that she’d never dare hurt anybody. Pero ang sinabi
mong pagkuha niya sa shares mo nang walang abiso, hindi iyon si Maggy, Austin.” Napailing pa ito.
“Dalawang klase ng tao lang ang pinakaaayawan niya sa mundo. Ang mga taong walang awa kung
pumatay ng tao at ang mga magnanakaw.”
In short, she only hates the likes of my father. Napayuko si Austin sa mga narinig, sapol na sapol ang
puso niya sa hindi sinasadyang patama ni Clarice.
“She will never take what isn’t hers.”
“Because she never really took anything. Hinuhuli lang kita kung aamin ka.” Narinig ni Austin ang
malakas na pagsinghap ni Clarice. Nag-angat siya ng mukha at nakikiusap na tinitigan ang huli. “Alam
ko na ang lahat, Clarice. I was just desperate that I had to make up stories because I knew you are my
only access to her right now. Iniwan niya ako kaninang umaga. At nagmamakaawa ako sa `yo, Clarice.
Please tell me her plans. Sabihin mo naman sa akin kung saan siya pupunta.”
Bumuka ang bibig ni Clarice at magsasalita sana nang tumunog ang telepono malapit sa kanila.
Salubong ang mga kilay na nilapitan nito iyon at sinagot ang tawag. Ilang sandali pa ay namutla ito.
“Oh, God!” Muling tumulo ang mga luha nito. “I will be there as soon as I can, Radha.”
Kumabog ang dibdib ni Austin. Minsan niya nang narinig ang pangalang iyon sa bibig ni Maggy.
“Ano’ng nangyari?”
“Naaksidente raw si Maggy,” nanginginig ang boses na sagot ni Clarice. “Kritikal daw ang lagay niya
ngayon.”
NAPABILIS ang paghakbang ni Austin papunta sa hospital room ni Maggy nang matanaw ang
lumuluhang anyo ni Clarice sa hallway habang inaalo ni Alano. Inatake ng takot ang puso niya.
Tinakbo niya ang natitirang distansiya sa pagitan nila ng hipag.
“Ano’ng nangyari?” Nagpunta lang siya sandali sa kanyang bahay para maligo at makapagbihis.
Simula nang maospital si Maggy ay halinhinan sila ni Clarice sa naging pagbabantay.
Hindi pa alam ni Yalena ang nangyari sa kakambal nito. Pinakiusapan ni Clarice si Austin na huwag na
munang ipaalam sa dalaga ang nangyari dahil may kaso pa daw na iniimbestigahan ang abogada sa
Nevada. Posible daw na ma-distract lang ang huli na siya daw hindi pwedeng mangyari dahil mabigat
ang kasong hinahawakan nito nang mga sandaling iyon. Nagpaubaya siya tutal naman ay si Clarice
ang mas nakakakilala sa pagkatao ng kambal.
Apat na araw na ang lumipas pero hindi pa rin nagkakamalay si Maggy. Ayon sa doktor na sumuri rito
ay hindi pa lubos na matutukoy ang laki ng pinsalang natamo ni Maggy hangga’t hindi pa
nagkakamalay ang huli kaya kailangan pa rin daw na bantayan nang maigi ang kalagayan nito.
Ang ulo ni Maggy ang mas naapektuhan dulot ng malakas na pagkakahampas niyon sa manibela. May
mga galos din itong natamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Hanggang sa mga sandaling iyon ay
wala pa rin silang idea kung sino ang nasa likod ng nangyaring aksidente. Nadiskubre ng mga pulis na
sira ang preno ng kotseng ginamit ni Maggy. Bukod doon ay napanood na rin nila ang CCTV footage.
May kotseng sadyang gustong banggain ang dalaga. Lumalabas sa ginawang imbestigasyon na may
taong gustong puntiryahin si Maggy. Ang gamit na kotse ng suspect ay natagpuan sa tabing-ilog higit
dalawang oras ang biyahe mula sa pinangyarihan ng aksidente pero wala na roon ang driver niyon.
Nagtagis ang mga bagang ni Austin sa naalala. Noon lang siya nakaramdam ng matinding galit sa
buong buhay niya. Sa oras na mahuli ang kung sinumang gumawa niyon sa babaeng pinakamamahal
niya ay siguradong may kalalagyan sa kanya.
“Si Maggy…” Clarice finally answered in between her sobs. “S-something happened to her.”
“Ano nga ‘yon?” Kulang na lang ay alugin ni Austin sa mga balikat ang hipag. Nang hindi na siya
makatagal pa sa sitwasyon ay natatarantang tinalikuran niya na ito. Pipihitin niya na sana ang
doorknob nang muling magsalita si Clarice.
“S-she couldn’t remember me.” Gumaralgal ang boses nito. “Itinaboy niya ako. S-she was so scared of
me. At h-hindi ko alam… Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ito kay Yalena. Kasalanan ko ito. Ni
hindi ko alam na paalis na pala siya nang araw na maaksidente siya. Wala naman siyang sinabi sa
akin. Ang akala ko, magtatagal pa siya ng ilang linggo. N-nagkasagutan kasi kami.”
“Come on, babe. Wala kang kasalanan. Hindi mo ba napapansin na parang nauulit lang ang mga
nangyari sa atin noon? Tuwing sinusubukan ninyong umalis, may nangyayaring aksidente,” marahang
sinabi ni Alano. “Maybe this is God’s way of telling you to stop running away again.”
Narinig ni Austin ang iba pang mga sinabi ng Kuya Alano niya pero hindi na iyon rumehistro pa sa isip
niya. Gulat na napatitig na lang siya sa nakasarang pinto bago wala sa sariling binuksan iyon.
Sumalubong sa kanya ang nagwawalang si Maggy. Sinisikap itong awatin ng dalawang babaeng nurse
pero hindi natinag ang dalaga. Fear was all over Maggy’s eyes. Naroroon din ang doktor nito.
Tuturukan na sana ng syringe si Maggy nang matauhan sa wakas si Austin. Pinigilan niya ang doktor
sa braso. Posibleng pampatulog ang laman niyon, isang panandaliang paraan para kumalma ang
dalaga. At hindi niya maaatim iyon.
Kagigising lang ni Maggy. Ilang araw itong walang malay, halos mabaliw na siya sa kadadasal
magising lang uli ito. At ngayon ay basta na lang ito pababalikin sa pagtulog?
“Ako nang bahala rito, Doc,” ani Austin kahit pa hindi niya alam kung ano ang eksaktong gagawin.
“The patient seemed to be suffering from severe retrograde amnesia, Mr. McClennan. It was a
complete loss of memory of events that occurred before the trauma,” mabilis na paliwanag ng doktor.
“It can be temporary or permanent. I can’t really tell. And she needs to calm down now. Mahina pa siya
at makakasama sa kanya ang—”
“Ako na ho ang bahala sa pasyente. If you don’t mind, please leave us for a while,” mabilis na putol ni
Austin sa doktor. “Kindly take the nurses with you, Doc.”
Ilang sandali ang lumipas bago natupad ang gusto ni Austin. Sila na lang ni Maggy ang mga naiwan.
“Hi,” masuyong bati niya. Hindi nakaligtas kay Austin ang biglang pagkaalerto ni Maggy. At
nauunawaan niya ito, nauunawaan niya ang dahilan ng pag-aalala ng dalaga. Hindi niya na kailangang
makaranas pa niyon para malamang napakahirap ng pinagdaraanan nito. Ang magising isang araw na
hindi mo na kilala ang sarili mo at ang mga tao sa paligid mo ay higit pa sa isang bangungot. His heart
went out to his girl. “Look at me, please. Hindi kita sasaktan. You can trust me.”
Ilang minuto ang lumipas bago sa wakas ay tumigil sa paglilikot ang mga mata ni Maggy. Magiliw na
napangiti siya. Matamang tumitig naman sa kanya ang dalaga. He took a sharp breath when he saw
just how lost she was. Hindi niya pa ito nakita na nagkaganoon. Kahit na nasasaktan ang dalaga noon
ay pinipilit pa rin nitong itago iyon at magpanggap na matatag hindi katulad ngayon na nakarehistro
ang matinding takot sa mga mata nito. Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan sa ganoong
sitwasyon pero may bahagi sa kanya ang nakadarama ng kaunting saya.
Masama nga siguro siya pero pabor sa kanya ang mga nangyayari. Sa kasalukuyang estado ni Maggy,
malilimutan nito ang lahat ng bagay na nakapagdudulot ng sakit dito. Ngayong wala na sa isip nito si
Benedict ay pwede na itong makapagsimula uli. Pwede niya na itong makasama nang hindi ito
nasasaktan dahil sa presence niya, nang walang alaala ng kanyang ama na hahadlang sa kanila.
Siguro nga ay tama si Alano. Baka nga paraan iyon ng Diyos para may ipaunawa sa kanila ni Maggy.
“S-sino ka?” tanong ni Maggy sa nanginginig na boses.
“I’m Austin, Austin McClennan. And we’re sort of… friends.”
Natigilan ang dalaga. “R-really?”
Napalunok siya. “Yes.” We’re the kind of friends who had kissed each other many times and who had
made love to each other just four days ago. “Can I… come closer?”
Nakahinga si Austin nang maluwag nang dahan-dahang tumango si Maggy. Lumapit siya sa kama at
lakas-loob na tumabi rito. Tumitig sa kanya ang dalaga. Mayamaya pa ay pumatak ang mga luha sa
mga mata nito. Parang hiniwa ang puso niya sa nakita.
God… Gustong-gusto niyang yakapin at halikan ang dalaga hanggang sa mawala ang lahat ng takot
nito. Pero nag-aalala siya na baka maalarma ito uli at matakot din sa kanya.
“I… I’m lost. Hindi ko alam ang gagawin ko.” Pumiyok ang boses ni Maggy.
Pinagmasdan ni Austin ang babaeng pinakamamahal. Sa kabila ng bandage sa noo, sa magulong
buhok at sa mga luha nito, walang dudang ito pa rin ang pinakamagandang babae na nakita niya sa
buong buhay niya.
“N-natatakot ako. W-where do I suppose to… go from h-here?”
Napahugot siya ng malalim na hininga. Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay ginusto niyang mahuli
na ang salarin sa likod ng aksidenteng nangyari kay Maggy, gusto niyang sugurin kung sino man iyon
at sapakin nang paulit-ulit, makabawi man lang siya kahit paano sa hirap na dinaranas ni Maggy. For
the first time in his life, he wanted to hurt someone so badly. Hangga’t hindi iyon nahuhuli ay hindi siya
matatahimik.
“I want to hold and embrace you,” sa halip ay sinabi ni Austin. “But I’m afraid I might cause you any
discomfort.” Sinikap niyang ngumiti. Mayamaya ay ibinuka niya ang mga braso. “Kaya ikaw na lang
siguro ang lumapit… Kung handa ka ng pagkatiwalaan ako. I’m not the greatest man you’ve met,
Maggy. I’m far from that.” In fact, I’m the son of the person who killed both of your parents.
Umarangkada ang sakit sa puso niya sa naisip. “But I can assure you that I will take care of you. Sa
pinagdaraanan mo na ito, sasamahan kita. Posibleng sa dulo ng lahat ng ito, dalawa tayong maligaw.”
Kinindatan niya ang dalaga, sinisikap pagaanin ang sitwasyon sa paligid. “Pero ang mahalaga,
magkasama tayo. Posible ring sabay nating mahanap ang tamang direksiyon. Maraming posibilidad.
But one thing is certain; I will never let you go through this alone.”
Muling tumulo ang mga luha ni Maggy bago ito unti-unting kumilos at pumaloob sa mga naghihintay na
braso niya at niyakap siya. Gumanti siya ng mas mahigpit na yakap pero nag-iingat pa rin para hindi ito
muling makaramdam ng pangamba sa kanya. Ilang sandali pa ay narinig niya ang paghagulgol nito.
Mariing naipikit ni Austin ang kanyang mga mata.
Sa loob ng nakalipas na mga taon, ang akala ko ay matatag ako. There was nothing I couldn’t handle,
nothing I couldn’t take. `Tapos isang araw ay dumating ka, Maggy. Your presence made me weak. And
hearing you cry right now made me even weaker.