KABANATA 29
Matapos na makapagsalita ni Hyulle, naipaliwanag nito ang mga dahilan ng kanyang panghihina, "Kamahalan, bakit hindi na kayo nakabalik?" tanong ni Althea. "Noong ihatid ko ang patay na wolf, alam kong hindi ikaw iyon, ngunit hindi ko akalaing maikukulong na nila ako, hindi ko alam na iyon na pala ang huling beses na mahahagkan kita Polina," sambit ni Hyulle. "Bakit ka raw nila pinarusahan?" tanong ni Polina. Habang nakikinig lamang ang iba.
"Dahil sa pakikipagsiping ka sa iyo sa di tamang panahon, walang asul na buwan ang lumitaw nang gabing iyon, ngunit nang dahil sa pagnanais kong makuha mo na ang iyong kapangyarihyan, sinuway ko ang nakatakda, isa pa alam ko rin na hindi ikaw ang mate ko, na pakana lamang ng iyong ina ang lahat, ngunit mahal kita, at ako na ang nagdesisyon, nang gumawa ako ng isang ritwal, na wala na akong ibang iibigin pa kundi ikaw lang, iyon ang isang kasalanang nagawa ko na lubos nilang ikinagalit."
"Dahil sa ritwal na iyon, isang werewolf sa aming mundo ang hindi isinilang, iyon ang nakatakdang maging mate ni Hyulle," sambit ni Althea.
Napatakip si Polina ng kanyang mga kamay. "Kaya ka ba naparusahan, pati si Inay?"
"Oo, minanipula namin ang mga nakatakdang mangyari, nang ipiisip sa 'kin ng iyong ina na ikaw ang mate ko, at ang paggawa ko ng isang pangako na may selyo, hindi na isinilang ang magiging mate ko, hindi kasi maaring isilang ang wolf na walang kapares,"
"Kung ganon, meron din sanang nakatakda sa akin? Sana sila na lang ang naging mate?"
"wala, dahil may lahing diyosa ka, iaakyat ka sana sa kaharian ng asul na buwan, pero hindi na naganap, inako na iyong ina ang pagiging diyosa mo, upang maging masaya ka, sa piling ko," at nayakap siya ni Hyulle ng mahigpit. Pinili pala siya ni Hyulle, kahit alam nitong may ibang nakatakda para sa lalaki. At dahil doon, dumanas ito ng matinding paghihirap at parusa. "Dalawang libo at limang daang taon akong nangulila sa iyo, walang pagkain, walang inumin, wala lahat, hangin lang ang nararanasan ko, ngunit salamat sa araw-araw, gabi-gabi mong pagtawag sa pangalan ko, nabuhay ako ng tinig mo."novelbin
"Oo, walang araw at walang gabing hindi umiyak si Mama, para sa iyon Papa. Palagi ka siyang sumisigaw at tinawag ang pangalan mo, hinihintay ka na bumalik sa piling namin," sambit naman ni Haylle.
"Kayo ang dahilan kaya ako nakatagal at nabuhay sa loob ng k'weba sa other world!" At naiiyak na niyakap niya ang dalawa. Dahil doon ay nakadama na sila ng saya at ligaya.
Nagpakasal sina Hyulle at Polina sa mundo ng mga tao, bagamat wala na ang mga taong dati nilang nakasama, sina Manang Martha, Aling Selya, Ate May, at ang iba pang mga tao, na nakilala nila. Sa hindi nila pagtanda sa pagdaan ng dalawamput walong taong nagdaan sa mundo ng mga tao ay nauna nang nawala ang mga iyon, ngunit sa kanilang mga puso ay alaala pa rin nila ang mga masasayang sandali, alam nilang habang buhay na silang magkakasama, at marami pang mga tao ang magdadaan sa buhay nila, masaya nilang pinagmasdan si Haylle, at ang dinarasal nila ay mahanap rin ni Haylle ang tamang mate para sa kanya. Bagamat magulo ang kanilang pagkakatagpo ni Hyulle, at hindi raw sila ang tunay na mate, pero para kay Polina wala nang ibang mate na nakatakda para sa kanya.
Naniniwala siyang isinilang siyang huling prinsesa ng mga puting Wolf, para sa isang prinsepeng tulad ni Hyulle. Isang prinsipeng may mabuti, at busilak na kalooban, tunay at wagas na pag-ibig ang handa at kayang ibigay sa pinakamamahal niyang si Polina. Kaya ang katanungang, tawag ng tungkulin? O ang sigaw ng puso ang siyang susundin? Ay nasagot nila ng walang alinlangan.
"Hyulle, mahal kita, habang buhay na mamahalin!" sambit ni Polina sabay angkla ng mga kamay sa batok ni Hyulle. At hinalikan ang lalaking minamahal. Si Hyulle naman ay malayang niyakap sa baywang si Polina, at saka masuyong tumugon sa halik ng kanyang asawa. At pinagsaluhan pa nga nila ang kanilang masayang pagmamahalan sa ilalalim ng asul na buwan.
Makalipas pa ang isang taon sa mundo ng mga tao:
"Nakita niyo ba siya?" malakas na tanong ni Jullie, sa mga kasama niyang naghahabol rin sa isang sikat na model, artista at singer na si Haylle. Hindi na nagbalik sa Europe si Haylle dahil sa dami ng offer sa kanya dito pa lang sa bansa niya. At eto na nga maraming fans at media ang humahabol sa kanya.
"Jullie, kinakilangan mahabol natin siya at ma-interview, kung hindi mawawalan tayo ng trabaho okay!" sambit ng kasama nito na talagang binantaan ang dalaga na kinailangang makakuha siya ng magandang scoop sa kanyang iniidolo noon pa man. Alam nitong maraming nagbabago sa mundo at sa pamilya nito, magulo man sa iba, para sa kanya nanatili sa isipan niya na ang lalaking ito ang kanyang inidolo.
Nakita nga niyang pumasok ito sa loob ng isa sa mga room doon, at dahil sa magaling siyang stalker ay nasundan niya ang lalaking si Haylle. Dahan dahan itong lumakad, sa pag-aakala nitong hindi napapansin ni Haylle ang paglalakad nito ay nagpatuloy pa ito.
Siya naman bilang nag-e-enjoy siya sa pakikipag taguan sa dalaga, ay mas lalo pa niya itong pinagtaguan, hindi niya alam kung anong kailangan nito sa kanya. Ngunit sa nakikita niyang itsura nito, mukhang isa ito sa mga new reporter marahil ng mga taga shobiz, maaring nais lang nitong makakuha ng scoop, para may mapag-usapan patungkol sa kanya.
"Anong kailangan mo?" nakahalukipkip niyang tanong sa dalagang nanunubok pa.
"Ay pitong bunto❜t ng asong gala!" bulalas nito. Hindi niya alam kung anong klaseng expession ang meron ito, pero parang nahulaan nito na may pagkakahawig siya sa aso, iyon nga lang impoerted dahil wolf ang lahi niya.
"Problema mo Miss? Bakit ka sunod nang sunod sa 'kin?" seryoso niyang tanong sa dalaga. Alanganin namang ngumiti ang dalaga, isang bagay na tila nagpahinto ng oras sa kanya, naramdaman rin niyang tila huminto ang tibok ng puso niya ng panandalian. Sino ang babaeng ito? Nagtataka niyang tanong sa kanyang sarili.
"H-Hello! Sabi ko baka naman p'wede kitang ma-interview?" tanong ng dalaga na ikinakaway ang palad nito malapit sa mukha niya. At para naman siyang natauhan sa ginagawa nito.
"Di p'wede." Mabilis niyang hinawi ang kamay nito, at lumakad nang pasulong, iniwan at dalaga.
"Sandali lang! Baka naman pwede kahit isang tanong lang! Sige na!" tumakbo ito at kinulit pa siya. Ngunit sa kahahabol nito sa kanya ay tila napatid ito kaya kamuntik nang matumba, ngunit maagap niya itong nasalo, at ibinalik sa pagkakaayos ng tayo.
"Sino ka bang talaga? Bakit humihinto ang oras sa t'wing nasa malapit ka? Bakit napapatigil mo ang tibok ng puso ko?" mariing tanong ni Haylle sa sarili, habang nakatitig lang sa mga mata ni Jullie. Aabangan.....