The Trouble With Good Beginnings

Chapter 16



Chapter 16

NAPALUNOK si Aleron nang dahan-dahang mag-angat ng mukha si Holly patingala sa kanya. Sa

kabila ng kalamigan na pumupuno sa mga mata nito nang mga sandaling iyon ay hindi pa rin

maitatangging taglay pa rin nito ang pinakamaamong mukhang nakita niya sa buong buhay niya.

Nakaramdam siya ng pagmamalaki. This beautiful woman used to be his. Used. Bumalik ang kirot sa

puso niya.

Mayamaya ay tumayo ang dalaga. “Mag-usap tayo.” Anito bago binalingan ang mga readers nito roon.

“Please excuse me for a while.” Dere-deretso na si Holly sa paglabas ng bookstore. Magsasalita na

sana itong muli nang makita nito ang mga staff niya roon. Sunod-sunod itong napabuga ng hangin. “I

want us to talk in private. Where can we do that?”

“Sa office ko na lang.”

“Fine. Lead the way.”

Tumango na lang si Aleron bago bahagyang nauna na sa paglalakad papunta sa elevator. Gusto niya

sanang huminto at abutin ang palad ni Holly pero hindi tama. Wala na siyang karapatan, siya mismo

ang nag-alis niyon sa sarili niya. Awtomatikong pinindot ng operator ang sixth floor pagsakay nila sa

elevator ng dalaga. Hanggang sa makalabas sila roon ay pasulyap-sulyap lang siya rito.

It was funny. Siya si Aleron Williams, isa sa pinakamatagumpay na negosyante sa buong bansa.

Kabilang pa ang kompanya niya sa sampung pinakamatatag na kompanya sa Pilipinas. But here he

was, utterly clueless on what to do. Kung sana gaya ng negosyo ay kaya niya ring gawan ng paraan

ang sitwasyon nila ni Holly. Iyon ang isa sa mga pinakamahirap na naranasan niya. Iyong abot-kamay

niya lang ang pinakamamahal pero hindi niya pa mahawakan.

Wala pa ring imik si Holly hanggang sa makapasok na sila sa office niya. Agad na iminuwestra niya

ang couch roon. “Maupo ka na muna. I’ll just go and get you something to drink-“

“Kung hindi totoong binasa mo ang mga nobela ko, paano mo nalaman ang mga kwento ro’n?” Sa

halip ay tanong ni Holly. Ilang sandaling napipilan si Aleron. “Answer me!” Para bang hindi nakapagpigil

na sigaw ng dalaga.

“My secretary did the reading for me. I made her summarized the contents-“ Hindi niya na nagawang

tapusin ang pagpapaliwanag dahil sa isang iglap ay umangat ang palad ni Holly patungo sa kaliwang

pisngi niya.

“You shouldn’t have attended the book signing in the first place. Wala ka ba talagang kahit na katiting

na konsiderasyon para sa akin, Aleron?” Sunod-sunod na pinagsusuntok siya ng dalaga sa dibdib.

“This is too much! Tumigil ka na! Tama na! You’re just breaking me over and over again!” Hysterical

nang pagsigaw nito habang lumuluha.

“Maliit na bagay lang dapat ito, Aleron. Pero ang hindi ko matagalan ay iyong dami ng naging

pagsisinungaling mo.”

Good Lord, he didn’t know how to handle her like this. Ilang minuto ang lumipas bago parang nauupos

na kandilang naupo ang dalaga sa sofa. Isinubsob nito ang mukha nito sa mga palad nito habang

patuloy ito sa pag-iyak.

“Holly…” Daing ni Aleron. Lumuhod siya paharap sa kinauupuan ng dalaga. Dahan-dahang inalis niya

ang mga palad nitong tumatakip sa mukha nito. Buong ingat niyang pinunasan ang mga luha nito.

“Nabasa ko na ang lahat ng mga gawa mo ngayon, Holly. Maniwala ka sana sa akin kahit sa

pagkakataon lang na ito. Masaya akong ngayon ko sila binasa dahil mas naintindihan ko sila ngayon.

Now, I understand that those novels are the reflection of your dreams. And I’m sorry I wasn’t able to

fulfill those dreams. You’ve always been the heroine that every man would love to have in their lives

and I’m sorry that I failed to become your hero.

Pinilit ko naman at hanggang ngayon, pinipilit ko pa rin. Kaya nga ako nandito pa rin sa harap mo kahit

alam kong ang makita ako ang huling bagay na gugustuhin mo.” Namasa ang mga mata ni Aleron.

“You told me that I will never be able to put the pieces of you back together because I’m broken myself.

Pero pinipilit ko nang buuin ang sarili ko para sa ’yo. Magagawa ko lang ‘yon kapag nakikita kita. You

push me away many times over the past days but I still come to see you because I need you to keep

this,” Itinuro niya ang kaliwang dibdib. “Alive.”

Idinikit niya ang noo sa noo ng dalaga. Dinig na dinig niya pa rin ang paghikbi nito. Para siyang paulit-

ulit na pinaparusahan dahil doon. “Do you honestly believe that this is the end of us? Because if you

don’t, if there’s even a glimpse of hope that you see, then I beg you, Holly, please don’t give up on us.

We haven’t reached the end yet. Malayo pa tayo sa dulo. Sa pagkakataong ito, ipinapangako ko sa ’yo,

tutuparin ko ang mga pangarap mo.”

“A glimpse of hope?” Namamaos pang tanong ni Holly. “I don’t know those words anymore, Aleron.”

Kumawala si Holly sa kanya. Dahil sa nakikita niyang estado ng emosyon nito ay napilitan siyang

bahagyang lumayo sa dalaga. Tumayo na ito.

“I don’t think there’s a beautiful ending waiting for us. I couldn’t even visualize it. It hurts… just to

visualize.” Tumalikod na si Holly at humakbang patungo sa pinto. “Itigil mo na lahat ng ito, Aleron.”

Pumatak ang mga luha ni Aleron. Bago pa man dumating si Holly sa mall ay nakabuo na siya ng plano

kung paano sila makakapagsolo nito, kung paano siya makakabawi rito. Desperado na siya. Pero

matapos niyang marinig ang pagsuko sa boses ng dalaga, dapat ay sumuko na rin siya. Pero para

siyang binibitay habang naglalakad si Holly palayo. Nang buksan nito ang pinto ay hindi niya rin kinaya.

Tinakbo ni Aleron ang distansya sa pagitan nila ni Holly. Niyakap niya ito mula sa likod at tinakpan ng

panyo ang ilong nito. Nagkakawag ang dalaga bago ito tuluyang nawalan ng malay. Sinalo niya ang

katawan nito. “I’m really sorry, Holly. Pero huli na ‘to, pangako.” Desperadong bulong niya. “Huling

baraha ko na ‘to.

Kailangan ko lang makabawi sa ’yo para matahimik ang puso ko. At kung wala pa ring mangyari sa

dulo ng lahat ng ito, saka ko tatanggaping hanggang dito na lang tayo. But not right now. I’m sorry that

I can’t let you go yet. I’m sorry that you fell in love with an asshole.”

Sa pagkakataong ito, susugal na siya ng buo. Wala na siyang ititira. Sagad kung sagad.

“WHAT happened to us, Alfar? How did we come to this point? Pinaparusahan ba tayo? Masasama ba

tayong mga magulang?”

Nahinto sa pagpasok sa kusina si Holly nang aksidenteng marinig ang pag-uusap ng mga magulang.

Napasulyap siya sa kanyang wristwatch. Mag a-alas cuatro pa lang ng madaling araw. Pero imbes na

ang nagluluto na para sa agahan na mayordoma nila ay ang mga magulang ang nadatnan niya roon.

Maingat niyang sinilip ang mga magulang. Nakaupo ang kanyang ina, nakayuko sa mesa at

humahagulgol. Nasa likod nito ang asawa na siyang umaalo rito.

Gaya niya ay nahulog rin ang katawan ng mga magulang. Hindi rin nakakakain at nakakatulog ng

maayos ang mga ito. Nahawakan ni Holly ang naninikip na dibdib. Napasandal siya sa pader at

mahinang iniuntog roon ang ulo. Magda-dalawang buwan pa lang simula nang mamatay si Hailey.

Sinisikap nilang ibalik sa normal ang lahat pero napakahirap pala niyon. Sanay na silang madalas

nawawala si Hailey pero ang kaalamang sa pagkawala nito ay hindi na ito babalik pa ay paulit-ulit na

sumusugat sa kanila. Hindi rin nakakatulong ang mga tao na nakapaligid sa kanila.

Ilang bwan na silang nagiging tampulan ng usap-usapan ng mga tao, mula sa hindi natuloy na kasal

niya hanggang sa kamatayan ni Hailey. Kilala ang mga Lejarde sa lipunang ginagalawan nila at alam

niyang imposibleng hindi sila mapag-usapan at nakakaapekto na iyon hindi lang sa kanya kundi lalo sa

mga magulang niya. Ni hindi niya masikmura ang para bang permanente ng awa na nakarehistro sa

mukha ng mga taong nakakasalubong nila.

Things had been extremely painful but hearing her parents blame their selves for their children’s

misfortune hurts all the more. Kahit kailan ay hindi niya pa nakitang lumuha at naging mahina ang mga

magulang pero sa loob lang ng ilang bwan ay matinding paghihirap ang ibinigay nila rito ni Hailey. Ilang

ulit niyang narinig ang pag-iyak ng mga ito na nangyayari pa rin hanggang sa mga sandaling iyon.

“I don’t know what to do anymore, Alfar.” Patuloy ng ina sa garalgal na boses. “Saan ba tayo

nagkulang?”

“I don’t know, Marlyn. I don’t know.” Kahit paano ay umasa si Holly na iba ang maririnig mula sa ama

na simula’t sapul ay napakatatag na. Pero lalo siyang pinanghinaan base sa kawalan ng pag-asa sa

boses nito. Nang hindi niya na mapigilan ay nagpakita na si Holly sa mga magulang.

“Wala kayong pagkukulang, mommy and daddy. What Hailey did with the Williams was something we

cannot control. And what the Williams did in return, that was…” Mariing nakagat ni Holly ang ibabang

labi. “God, I wish I know what to tell you.” Nasabunutan niya ang sarili. “Hailey’s death happened for a

reason, that’s for sure. Lahat ng nangyari sa amin, hindi nyo na kontrolado. Please don’t make it harder

for me by blaming yourselves.” Tinawid niya ang distansya sa pagitan nila ng mga magulang at buong

higpit na niyakap ang mga ito. “Magiging maayos din ang lahat. No matter what, I’m still here. You,

guys, still have me.”

“Didn’t we lose you too after the incident? You’ve been half-there since then, Holly. Oo, nandito ka at

kasama namin.” Anang ina. “But you were not with us completely.”

Natigilan si Holly. Bahagya siyang lumayo sa mga magulang at pinakatitigan ang mga ito ng deretso sa

mga mata. Mayamaya ay mapait siyang napangiti. “But mom, aren’t we all just half-here? Aren’t we all

half-dead? Look at us. And then tell me if you still ever feel alive. Nang mawala si Hailey, oo, kasama

ko pa rin kayo. Nasa iisang bahay tayo, nag-uusap minsan pero nag-iiwasan madalas. You were so

afraid to lose another child that you provided me with a body guard. But that’s just it.” Muling bumagsak

ang mga luha ni Holly. “Kasi nawala rin kayo sa akin.

Akala ko, ayaw nyo na akong kausapin pa. Parati kayong naglalagay ng harang sa pagitan natin. Kaya

dumistansya na lang din ako. And in the process, didn’t we lose each other, too?” Napahugot siya ng

malalim na hininga bago nagpaalam na at lumabas na ng kusina.

Kinabukasan ay nabigla na lang si Holly nang ipaalam ng mga magulang ang planong pag-alis ng mga

ito papuntang England para magbakasyon. Niyaya man siya ng mga ito ay pinili niya pa ring

magpaiwan. Para saan pa ang pagsama? Their plan was already set. Nagkaroon din siya ng

insekyuridad noon kung talaga bang gusto rin siyang makasama ng mga magulang. Ginamit ng mga

ito ang private jet ng Lejarde Corporation at umalis din kinagabihan, leaving Holly all the more alone,

empty and miserable.

Kinagabihan ay muli siyang nakapanaginip ng tungkol sa naudlot niyang kasal at kung paano siya

naaksidente. Natetensyong bumangon siya. “Mommy! Daddy!” Agad niyang sigaw nang magising.

Bumaba siya ng kama at nagpunta sa kwarto ng mga magulang dala ang kanyang unan. Noon niya na

lang iyon ginawa pagkalipas ng mahabang panahon. Kinatok niya ang mga magulang sa master

bedroom pero walang sumasagot mula sa loob. Pagbukas niya ng pinto ay malinis na malinis ang

kama ng mga ito, palatandaan na hindi roon natulog ang mga ito.

Noon niya lang naalalang umalis pala ang mga magulang. Napangiti siya na nauwi sa pagtawa,

palakas iyon ng palakas hanggang sa naging hysterical na siya. Damn, she was alone. Pagsulyap niya

sa salamin ay nakita niya ang kakambal. Punong-puno ng sakit ang anyo nito habang nakaguhit ang

matinding pagdurusa sa mga mata.

“Hailey…” Bulong niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa salamin. Nang mahawakan niya iyon ay saka

tuluyang nagising ang diwa niya. It wasn’t Hailey. It was her. It was Holly. It was herself that was

suffering. Napasigaw siya. “No!”

Humihingal na napadilat si Holly. Mabilis siyang napabangon. Ilang sandali pa ay narinig niya ang

pagbukas ng pinto. Iniluwa niyon si Aleron na puno ng pag-aalala ang anyo.

“Holly?” Agad siyang dinaluhan ng binata sa kama. “Okay ka lang ba?” Hinaplos nito ang mukha niya.

“I heard you scream.”

Natulala si Holly. Sa isang iglap ay bumalik sa isip niya ang nangyari sa opisina ni Aleron sa mall. He

tricked her. Again. Lagi na lang. Agad na iginala niya ang mga mata sa kinaroroonan. Hindi iyon

pamilyar sa kanya. Malaking kwarto iyon na tatlong beses yata ang laki sa kwarto niya sa mansyon ng

mga magulang.

Sa ibang pagkakataon siguro ay mamamangha siya sa ganda niyon, mula sa napakalaking pabilog na

kama na sa palagay niya ay kakasya hanggang apat na tao. Ang mga unan at bedsheet roon ay

paborito niya ang mga kulay: pink at puti. Ang mga iyon rin ang kombinasyon ng kulay sa buong kwarto

hanggang sa carpet, marmol na sahig, wallpaper at naglalakihang mga kurtina.

“Holly?”

Bumalik ang mga mata niya kay Aleron, ang lalaking dahilan ng kanyang mga bangungot. “Where am

I?” Namamaos niya pang tanong.

“We’re in your island in Davao. Wedding gift ko sana ito sa ’yo. Wala pa itong pangalan. I wanted you

to personally give this place a name. This is where I planned to start a fairytale with you. I’m sorry,

Holly. Huli na ito, pangako. Gusto ko lang makabawi sa ’yo kahit ilang araw lang. Patawarin mo ako

kung kinailangan ko itong gawin.”

Bumakas ang panliliit sa anyo ni Aleron. “I was just desperate. Pagkatapos nito, pagkatapos ng

dalawang linggo, ibabalik na kita sa inyo at hinding-hindi na ako magpapakita pa sa ’yo. I just need

this, this one last moment before I completely say goodbye to the chapter of my life with you.”

Hindi na nagawa pang magsalita ni Holly. Inalis niya ang mga palad ng binata sa kanyang mga pisngi.

Bumalik siya sa pagkakahiga, patalikod rito. She was too drained to think and too heartbroken to talk.

Ipinikit niya ang mga nananakit nang mga mata. Hinayaan niyang maglandas ang mga luha niya.

Naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ni Aleron. Maingat na niyakap siya nito mula sa likod niya.

Ibinaon nito ang mukha sa kanyang leeg.

“I love you, Holly. I love you so much.” Belongs © to NôvelDrama.Org.

Lalo pang bumuhos ang mga luha niya. Tinakpan niya ang bibig para pigilan ang pagtakas ng isang

hikbi.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.