Chapter 11
Chapter 11
NAPASANDAL si Cassandra sa pintong nilabasan. Mariin niyang ipinikit ang mga mata, saka tinapik-
tapik ang dibdib para kalmahin ang sarili. Ang akala ko, tanggap ko na. Pero nang makita kita, hindi pa
pala.
Sa ibang pagkakataon ay papalakpakan niya ang sarili sa lakas ng loob na ipinamalas sa kabila ng
panginginig ng kanyang mga tuhod. She couldn't help but do that. She had to feel him, she had to blurt
those words out... even for the last time.
Alam niyang hindi makatarungan para kay Dana ang mga sinabi at ginawa. Pero nang makita niya ang
lalaking pinakamamahal na suot ang damit na siya mismo ang nanahi para dito ay gusto nang bumigay
ng kanyang puso... at katinuan. At kanina nga ay umiral ang puso niyang naghahangad,
naghihinanakit, at... nagmamahal.
Napahugot ng malalim na hininga si Cassandra bago nagpunta sa banyo. Pinakatitigan niya uli ang
sarili sa naroroong salamin habang suot ang pinapangarap niyang damit-pangkasal. Malungkot siyang
napangiti. Her only consolation was... Dana liked the wedding dress.
"WHY HER of all people?" tiim ang mga bagang na wika ni Jethro makalipas ang mahabang sandali.
Naglakad siya palayo sa pinto para mapigilan ang sarili na buksan iyon, habulin si Cassandra at itakas
na lang mula sa lahat ng bagay na nakapagitan sa kanilang dalawa.
"Nag-volunteer siya," mahinang sagot ni Dana. "And besides, why not her? Magaling siya. Nagustuhan
ko ang gown. And even you liked the suit. So why-"
"Bakit mo ba 'to ginagawa?" Humarap siya sa fiancée. "At bakit ka pa kasi umalis noon? Why did you
ever give her those freaking thirty days?" Hindi na nakapagpigil na nagtaas siya ng boses. "For the
past weeks, wala kang narinig na salita sa akin but damn it, Dana! Bakit mo inilihim sa akin na siya
pala ang designer na sinasabi mo? She's hurting, can't you see?"
Sa kauna-unahang pagkakataon ay gusto ni Jethro na alugin ang mga balikat ni Dana at sigawan ito.
Napakarami niyang mga bagay na gustong sabihin. If Dana had not given Cassandra the time to get
near him, none of this would have happened. They could have gotten married, live a life with their kids
and pretend to be happy for the rest of their lives. He was willing to stay by her side, let her have him
but did she really have to torture him this way?
"And do you actually think I'm not hurting, Jethro?" Natigilan siya. "Sa tingin mo ba talaga, ginusto kong
gawin 'yon? Every single day that I was away, I got so damn scared. Pero ginusto kong patunayan sa
sarili ko na hindi totoo ang kasabihang 'first love never dies.'" Nag-iwas si Dana ng tingin. "Gusto ko
lang patunayan sa sarili ko na hindi mo 'ko minahal dahil lang wala siya, na hindi ako isang substitute.
Jet... mahal mo naman ako, 'di ba? Wala namang nagbago, 'di ba?"
Frustrated na napahawak si Jethro sa kanyang noo. "Dana-"
"Go." Ngumiti na si Dana nang muling humarap sa kanya. "Go and at least thank our designer before
she leaves. Hindi na kasi siya makakarating pa sa kasal natin. Baka ngayong araw na lang kayo
magkita."
Nagulantang si Jethro. "W-what?"
"Aalis na siya this week, pabalik sa France."
Ilang sandali hindi nakakilos si Jethro bago siya nananakbong lumapit sa pinto.
"And Jet? Please tell her I really loved the wedding dress. Under normal circumstances, I think she and
I could be... good friends."
"AALIS ka daw?"
Dahan-dahang ibinaba ni Cassandra ang naka-framed na baby picture ni Jethro na nadampot niya sa
sala. Napagdesisyunan niyang mag-ikot-ikot na muna sa bahay ng binata habang hinihintay ang mga
kasamahan niya na kasabay niya na pabalik sa France. "Yeah," mahinang sagot niya. "Three days na
lang ako rito."
"I... I thought you will be staying here for good?"
"That was the epic plan." Napabuntong-hininga si Cassandra, pagkatapos ay humarap kay Jethro.
"Ang plano ko talaga, i-manage na lang ang boutique mula rito. Three to four times a month na lang
ako pupunta sa France. My crew could just send me the designs requested by our clients via mail,
'tapos, magtatayo ako ng isa pang boutique dito. It was all set." Nagkibit-balikat siya. "But what's the
use of staying now?"
"Pero pwede mo pa rin namang tuparin ang mga plano mo. Pwede ka pa ring-"
"I can't." Napailing siya. "Ubos na ang tapang ko, Jet. Hindi na kailangang makita pa ng mga mata ko
na ikakasal ka na bago pa matanggap ng puso ko na talagang wala ka na."
Tinalikuran na niya ni Jethro. Sa van na lang siya maghihintay. Because the more she sees him, the
more she doubts if she could ever live without him.
"Then, take back the dresses with you, Cassandra. Ilang araw pa ang natitira, may mahahanap pa
naman kami. May mga ready-made na damit na pwede naming bilhin na lang dito."
Napasinghap si Cassandra. Parang sasabog sa matinding emosyon ang kanyang dibdib nang
humarap siyang muli sa binata. What he said was just too much to bear. "Lahat ng mga 'yon,
pinaghirapan naming buuin at tahiin ng mga tauhan ko para sa kasal mo. Ni wala pa kaming maayos
na tulog para doon. 'Wag mo naman sana kaming pahiyain."
Lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Jethro. "Hindi mo naiintindihan. Makinig ka muna-"
"No. Ikaw ang makinig, Jet. Kasi ikaw itong hindi nakakaintindi!" Nang tangkain siyang hawakan ni
Jethro sa braso ay pumiksi siya. "Everytime I miss you, I sketch. Nang mag-propose ka ng kasal sa
akin noon, umasa akong matutupad iyon isang araw. Kaya iginuhit ko ang isusuot ng buong entourage
kapag ikinasal tayo." Umahon sa pinaghalong pagkabigo at pagdaramdam ang dibdib na nagtaas na
siya ng boses. "Your suit... I made that with you in my mind. Ang saya-saya ko na noon. Pero kahit
kailan, hindi sumagi sa isip kong iba pala ang magsusuot ng wedding dress, na iba pala ang gagamit
ng mga in-sketch ko." She smiled bitterly. "Pero okay lang 'yon. Ginawa ko pa rin ang mga damit.
Because I wanted... to have at least a part of that very special occasion in your life. Pinaghirapan
namin 'yon, pinaghirapan ko 'yon. 'Tapos, ngayon, sasabihin mo sa aking hindi mo gagamitin dahil lang
sa galit mo sa 'kin?"
"Hindi mo nga kasi naiintindihan," ganting wika ni Jethro na pinantayan ang intensidad ng kanyang
boses. "The main reason I can't let us use those is because they're supposed to be for the two of us!"
"Bahala ka na," napatid na ang pasensyang wika ni Cassandra. "But I won't get those back. Itapon mo
na lang kung gusto mo." Naluluhang nagtatakbo na siya papunta sa van at pinaandar iyon. Tinawagan
niya na lang ang kapatid para sunduin ang mga kasamahan niya.
"C-CASSANDRA?"
Ilang sandaling napatitig lang si Cassandra sa nagulat na anyo na babaeng kaharap kung saan nila
minana ng kanyang kapatid ang gray na mga mata nila. Hindi niya alam kung bakit sa dinami-rami ng
mga lugar ay sa Pampanga kung saan nakatira ang kanyang ina pa siya dinala ng kanyang mga paa.
Buong buhay niya ay sinisi niya ito at ang kanyang ama sa mga nangyari sa kanya.
Throne and Cassandra grew up without knowing what love was because they weren't loved in the first
place. Wala silang magandang alaala sa mga magulang. Ang away ng kanilang ina't ama ang
kinalakhan nila hanggang sa naghiwalay ang mga ito at parang nakaligtaang may dalawang anak na
naiwan. The two lived separate lives in different parts of the world.
Ang pintor niyang ama na kasalukuyang nasa Amerika ay may sarili nang pamilya. Kapag nakaalala ito
ay pinadadalhan sila ng kuya niya ng greeting cards. Natawa nang mapakla si Cassandra sa naisip.
Ang kanyang ina na dating nagtatrabaho sa isang exclusive bar ay papalit-palit ng kinakasama sa
nakalipas na mga taon.
Napilitan lang noon na magpakasal ang mga magulang ni Cassandra dahil aksidenteng nabuntis ng
ama niya ang kanyang ina nang minsang maglasing ito sa bar. Ang kuya niya ang naging bunga. Pero
dahil inakala ng kanyang ina na gaganda ang buhay nito sa asawa, ipinagpilitan pa rin nito ang sarili
kaya siya naman ang nabuo.
Pero nang magmatigas ang kanyang ama at hindi bumalik sa sariling ama na itinakwil ito nang ang
pagpipinta ang mas pinili kaysa ang pamahalaan ang lending company ng kanilang pamilya, ay tuluyan
nang nasagad ang kanyang ina at nakipaghiwalay.
Nitong huling mga nakaraang taon na lang napagkikita ni Cassandra ang ina dahil gusto na raw nitong
bumalik sa buhay nila ng kapatid niya. Nang marahil ay maramdaman ang kanilang pagtutol, lumayo
uli ang kanilang ina pero nag-iwan ng address kasabay ng mga salitang, "Kung isang araw ay
kailanganin ninyo ako, you know where to find me." This belongs to NôvelDrama.Org: ©.
"Noon, araw-araw, paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit kayo pa ang naging magulang ko.
Throne had been bitter all his life until he met Chris." nagsisikip ang dibdib na panimula ni Cassandra.
"While I remain bitter up to now. We didn't know hope, we didn't know love because you never gave us
the chance to believe those words existed. Alam mo bang pinahirapan kami ni Lolo? Tinanggap niya
kami but he was cold." Nabasag ang boses niya. "He made us his maids. And all those freaking times,
I wish you'd come back. But you never did."
Niyakap si Cassandra ng kanyang ina. "Anak, I'm sorry."
"When I lost the one I love, I blamed you once more thinking that I wouldn't have been a lost cause had
I grown up properly."
Gumalaw ang mga balikat ng kanyang ina sa pag-iyak. "I'm so sorry."
Lumayo si Cassandra sa ina, pagkatapos ay hinawakan ang mga kamay nito. God... she couldn't recall
ever touching her mother like this. Mainit din palang humawak ang kamay ng isang ina at... bahagyang
nangangapal, palatandaan ng dami ng ginawa sa nakalipas na mga taon. "Pero matured na po ako
ngayon. Siguro, lahat ng 'yon, kailangang mangyari para lahat tayo, matuto kahit sabihing nahirapan
tayo nang husto." Ngumiti siya. "Gusto kitang maramdaman ngayon, Lara. Magsimula tayo ulit."
Lumuluhang tumango ang kanyang ina. "O-oo naman, anak. God... I've been waiting for you all this
time."
Nangingilid ang mga luha na si Cassandra naman ang yumakap sa ina. "M-mama, nasasaktan po ako
ngayon. Can you... hug me once more?"
Mahigpit na niyakap siya ng kanyang ina, kasabay ng marahang pagtapik-tapik sa kanyang likod.
Narinig niya pa ang mabining pag-hum nito. At kahit na hindi siya pamilyar kung ano iyon ay masarap
iyon sa pandinig.
Kasabay ng muling pagtawag ni Cassandra sa ina ay ang paghagulgol niya... at ang tuluyan niyang
paglaya sa nakaraan.